Bakit?

86 2 0
                                    



Bakit?

Bakit pa tayo pinagtagpo?
Kung hindi naman tayo itinadhana
Bakit natutunan pa kitang mahalin?
Kung hindi karin lang naman magiging akin

Noon...

Sabay tayong nangarap ng magandang bukas nating dalawa
Sabay tayong umasam na ang pag iibigan nati'y magpasa walang hanggan
Magkahawak kamay nating hinarap ang ilan sa ating mga problema
At tanging ang isat isa ang karamay sa panahong buhay ay may lumbay

Ngunit ngayo'y...

Iba na ang kasabay mong mangarap
Hindi na kamay ko ang iyong hawak
Na tila ba ang lahat sa atin ay hindi naganap
At ako'y iyong nalimot sa isang iglap

Mga larawan at liham..

Tanging ang ating mga larawan at liham
Ang syang nagsisilbing tanda ng ating nakaraan..
Nakaraang inaakala kong guniguni ko na lamang
Dahil narin sa pagtrato mo sa akin bilang isang kaibigan

Kaibigan..

Kaibigan na lang ngayon ang role ko sa buhay mo
Kaibigang nagbibigay payo sa buhay pag ibig mo
Kaibigang malalapitan mo sa oras ng kagipitan
Kaibigang hindi ka kailanman tatalikuran

Ngunit..

Bakit nga ba mahal kong kaibigan?

Tayo pa ay pinagtagpo ngunit hindi naman tayo itinadhana

POEM LOVERWhere stories live. Discover now