Ngiti

88 3 2
                                    


Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa aking labi

Sa unang araw palang ng pagtatama ng ating paningin
Akin ng nabatid na ikaw ay mamahalin
Ako'y iyong hindi binigo
Dahil nagmula mismo sa labi mo
Ang salitang ako'y iniibig mo
Nangako kang ako'y iyong pakakasalan sa lahat ng simbahan
At tayo'y magsasama magpasa walang hanggan
Puso'y puno ng kaligayahan inialay sayo ang dangal na iniingatan

Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa aking labi

Nang ako'y iyong pagsawaan
Itapon na parang maruming basahan
Mata ay luhaan puso ay duguan
Naglulumuhod sa iyong harapan
Nag mamakaawang huwag mong iwan
Ngunit ako'y iyo lamang nilagpasan
At tila binging hindi pinakinggan
Nahagip pa ng paningin
Ang labi mong umismid ng palihim

Isang puno ng lungkot na ngiti ang gumuhit sa aking labi

Batid ko ng...
Ako'y iyong niloko
Niruyakan ang pagkatao
Pinaglaruan na tila isang laruan
At saka ipinagpalit sa bago
Ngunit bakit hindi ko magawang mamuhi sayo mahal ko?
Dahil dito sa puso ko ikaw parin ay iniibig ko..

At tanging iibigin ko...

Isang baliw na ngiti ang gumuhit sa aking labi

Habang nakatitig sa patalim na nasa aking palad
Mahal ikaw ay walang katulad
Kahit saan kaman magtungo
Ako'y iyong magiging anino
Sa dulo man ng walang hanggan
Ikaw ay susundan
Walang sino man ang sa iyo'y makikinabang

Ako lamang ...

Ako lamang ...

Isang misteryosong ngiti ang gumuhit sa aking labi

Sya na ba ulit ang bago mo?
Sya na ba ang isusunod ko sa dati mo?

MAHAL KO!

POEM LOVERWhere stories live. Discover now