Nasaan Ka Na

115 3 8
                                    


Pagmamahal

Pagmamahal ang inalay ko sayo
Pero sinuklian mo ng panloloko
Bakit mo ko ginago?
Bakit mo ako niloko?

Apat na taon

Apat na taon ang pinagsamahan natin na sinayang mo
Sa loob ng apat na taon inakala kong relasyon nati'y perpekto
Apat na taon na binuhos ko sayo ang mga panahon at oras ko
Sa loob ng apat na taon ikaw ang naging sentro ng buong buhay ko

Pagkakamali

Saan ba ako nagkamali?
Ano ba ang aking mga naging pagkakamali?
Hindi ko mawari
Nalilito ako, naguguluhan ako

Katanungan

Mga katanungan naghahanap ng kasagutan
Nagkulang ba ako ng oras sayo?
Halik at yakap ko ba'y di sapat?
Nahirapan ka ba sa piling ko?

Sagutin mo!

Sagutin mo...

Sagutin mo...

Sagutin mo...

Parang awa mo na sagutin mo!
Parang awa mo na sagutin mo mga tawag ko!
Parang awa mo na sagutin mo nga text at email ko!
Parang awa mo na.. Sagutin mo ako!

Paano nga ba?

Paano mo nga ba masasagot ang mga katanungan ko
Kung isang araw naglaho kana lamang na parang bula!
Iniwan mo akong natulala
Ang sabi nila sumama ka daw sa iba
Hindi ako makapaniwala!

Magpaliwanag ka

Magpaliwanag ka naman ano ang iyong dahilan kung bakit mo ako iniwan?
Sagutin mo ang katungang saan ako nagkulang!
Hindi mo naba ako mahal kaya ka nagkaganyan?

O baka naman...

Kailan may hindi mo naman talaga ako minahal!

Magka ganoon man...

Maghihintay ako

Maghihintay ako sayo
Maghihintay ako sa mga paliwanag mo
Maghihintay parin ako kahit matagal
Maghihintay parin sayo tawagin mang hangal!

Dahil ikaw ay mahal na mahal

POEM LOVERWhere stories live. Discover now