Nakalipas Na Nga Ba?

101 4 4
                                    


Isang gabi ng ako'y mapatingala
Sa kalawakang napapalamutian ng mga kumikislap na tala
Bigla'y di napigil ang mga ala-alang rumaragasa
Sa isipa'y di nawawala

Sa aking paggunita di ko namalayan luha ko'y kumawala
Dulot ng nakalipas na sa puso ko'y di ma wala-wala
Mga ngiti, halik at yakap niya
Mga payo't aral na aking natutunan mula sa kanya

Sa tuwing masisilayan mga lugar na noo'y siya'y kasama pa
Sumasariwa ang mga ala-alang nakalipas na
Kung ako ngayo'y tatanungin kung ano ang ibig?
Ngayon din aking ibabalik ang nakalipas na siya'y kapiling

Alam kong iyo'y isang kahangalan
Lagi namang isinasaksak sa isipan
Nakalipas ay di na maibabalik kailanman
Ngunit nakalipas na nga ba?

Bakit tila kahapon lamang sya?
Kaninong tinig ang aking naririnig?
Bakit ngiti mo parin ay nasisilip?

Ahhh...

Marahil...

Hindi na kailanman lilipas pa

POEM LOVERWhere stories live. Discover now