BFF

155 3 8
                                    


Nagsimula ang lahat sa biruan
Na nauwi sa totohanan
Ngunit sa parte ko lamang
Dahil para sayo ako'y isang KAIBIGAN!

Di naman sinasadya
Di rin ito ginusto
Pa fall ka kasi masyado
Na fall naman si AKO!

Sino bang gustong mahulog?
Kahit alam namang walang sasalo
Sino bang gustong umasa?
Kahit alam namang walang pagasa

Mula nga ng umibig sayo
Lumabas aking mga talento
Naitanong ko pa nga sa sarili ko
Ako paba ito?

Pwede pala akong artista
Nagagawa ko kasing ngumiti
Sa kabila ng aking pagkasawi

Papasa pala akong DJ ng radio
Ganda kasi ng payo ko sayo
Dahil sa akin nagka bati kayo

Sa kabila ng hiniling ko sa lahat ng mga santo

Na MAGKAHIWALAY SANA KAYO!

Dahil ako ang iyong best friend forever
Ginawa mo akong messenger
Chaperone na sa mga lakad nyo
Look out pa sa erpat ng girlfriend mo!

Ang lupet mo my friend!

You're really the best MANHID friend ever!

Mahirap maging maligaya
Para sayo tanging dahilan ng aking ligaya
Na kailanman hindi sa akin liligaya

Kaya't mabuti ng di mo mabatid
Pagtangi ko sayong magiging malaking balakid
Sa pagkakaibigan nating walang makapapatid
Iniibig kita ituring mang kapatid

POEM LOVERWhere stories live. Discover now