Munting Bulaklak

120 3 6
                                    


Munting bulaklak sa parang
Doon lumaki at namulat ang isipan
Naghangad na lumipad sa himpapawid
Upang abutin mga bituing maririkit
Ibig tuklasin ang di pa natutuklas
Masilayan ang di pa nasisilayan
Takot naghari sa kalooban
Tanong sa sarili
Pangarap ba'y makakamtam?
Di kaila sa kaalaman
Pagsubok at pasakit na dapat pagdaanan
Ngunit di paba sapat ang kahirapang naranasan
Upang iyo'y malagpasan
Agam agam sa isipan
Bulalak na munti ba'y may kakayahan
Lumipad at magningning
Tulad ng mga tala sa kalangitan

POEM LOVERWhere stories live. Discover now