3

4.2K 19 0
                                    

Kaunlara’t pagbabago, siyang sigaw ng karamihan
Palayasi’t palisin, mga tiwaling lider na nasa kinauukulan Patayi’t sugpuin pangungurakot sa kaban ng bayan
Bunuti’t puksain mga salut sa lipunan
Upang kislap ng pagbabago ating masisilayan

Magsipag, magbanat ng buto
Para tayong mga Pilipino’y umasenso
Tangkilikin mga produktong sariling atin
Para ekonomiya ng baya’y tumaas-taas man din
Upang kislap ng pag-unlad ating mababanaag

Huwag magpaapi, matutung lumaban
Ipagtanggol ang sarili hanggang kamatayan
Huwag mong hahayaang malupig ka nila Juan
Ipaglaban pantay-pantay na karapatan
Upang kislap ng katarungan, ating makakamtan

Edukasyon sa bansanating pagyamanin
Lahat ng mga kabataan ay pag-aralin
Kinabukasan ng mga bata’y karapat-dapat unahin
Kaligtasan nila’t dapat pagtuunan ng pansin
Upang kislap ng karunungan, kanilang masisilayan

Halina’t tayong lahat ay magtulungan

Kapit-bisig sa pagharap sa laban
Pagbabago ang siyang kaylangan
Sa ekonomiya, pulitika, lipunan at ng taong bayan
Upang ating mahahawakan, kislap ng kaunlaran.

[Plagiarism is a Crime punishable in by law.]

©2018
ALL RIGHT RESERVED

Spoken Poetry 101Where stories live. Discover now