26

562 5 0
                                    

Q: May lalaki paring sasamahan ka, hanggang sa pagtanda.

Tanda mo pa ba noong tayo'y nagkasama?
Yaong magkaklase tayong dalawa.
Lagi mong sinasambit sa aking mga kasama,
Kung saan ako dumaong mag- isa.
Wag ka mag- alala,
Hindi ako aalis ng malayuan kung hindi ka kasama.
Hudyat ito ng pagmamahal ko sa iyo sinta.

Hindi ko na mapigilan,
Lumalakad ang katotohanan.
Katotohanang sabihing mahal na nga kita,
Oo mahal na nga kita.

Hanggang isang araw,
Napinta ng aking mukha.
Ang pagiging masaya,
Sobrang saya.
Saya na hindi mapapalitan ng iba,
Nang sinagot mo ang salitang mahal kita.
Sabi mo pa nga "mahal rin kita".
Ang tibok ng aking puso ay muling nabuhay,
Sa pamamagitan ng pagbibigay mo ng kulay.

Siguro kung hindi ako nagtapat noon,
Walang mabubuong TAYO sa ngayon.
Kay dami at kay laki ng aking sinakripisyo,
Mapatunayan lang sayo na magtatagal tayo.

Lumalakad ang panahon,
Tayo'y nasa trenta na.
Waring tayo'y tumatanda,
Kasabay ng ating relasyon.
Hanggang tayo'y pinag- isa,
Tanda mo pa ba??
Kay ganda ng simbahan,
kay sasarap ng pagkaing nakahanda sa hapag kainan,
Subalit ang pag- ibig ko sayo ay hindi kayang maprepesyuhan.
Kahit sino pa man,
Kahit magkano pa man,
Dahil ang halagang pinaabot ko sayo ay WALANG KATAPUSAN.
Katulad ng ating pagmamahalan..

Mag- iba man ang ikot ng mundo,
Pumuti man ang buhok mo at buhok ko,
Subalit ang salitang tayo ay tayo.
Walang hahadlang sa pangako ko sayo,
Kahit anong hirap ang ating nadarama.
Pilitin nating bigyang unawa,
Ang bawat salita.

Sabi mo pa nga sa akin noong galit ka,
Humanap na ako ng iba.
Ibang taong kayang magbigay ng ginahawa,
Dahil alam mong liligaya ako sa piling ng iba,
Gaganda ang buhay ko sa piling ng iba,
Magtatagumapay ako sa piling ng iba.
Sinasabi mo lang yan sakin dahil galit ka,
pero hindi ko kailangan ng IBA.
Dahil ikaw lang sapat na.

Hindi man tayo magkaintindihan,
Pipilitin kong tayo'y magkaunawaan.
Hindi man tayo maging masaya,
Pipilitin kong tayo'y maging maginhawa.
Hindi ako magsasawa,
Sa mga bagay na dapat kong ipaunawa.
Dahil isa yan sa aking magagawa,
bilang tayo'y mag- asawa.
Dahil gusto ko tayo paring dalawa,

HANGGANG SA PAGTANDA.

Plagiarism is a Criame punishable by law.

©2018
ALL RIGHT RESERVED.

Spoken Poetry 101Where stories live. Discover now