22

592 7 0
                                    

Inadd ka sa facebook para makilala.
Nag-aabang kung i-aaccept o gagawing follower ka lang nya.
Nang makatanggap ng notification, ika'y natuwa.
Inaccept lang friend request mo, aura mo'y guminhawa.
Sinimulan mo sa pang-iistalk kung may jowa sya.
Nang malaman mong wala, balakin ay nagawa.
Sinimulan mong mag-hi.
Kabado. Pero ayun talaga ang yong pakay.
Sumagot naman sya ng hello.
Syempre ang mukha mo nag-glow.
Dumaan ang ilang araw, nagtagal ang inyong pagchachat.
Yung tipong takip ng sinaing mo hindi mo na maibuklat.
Palaging tuon ang oras sa kanya.
At nahulog ang puso ng isa't isa.
Yung tipong 'My Day' mo na sya.
At ang post mo pinupusuan nya na.
Ngunit paglipas ng mga araw.
Ang mga puso'y tumamlay.
Umabot sa puntong "you can't reply to this conversation" na lang ang mababasa.
Tatanungin mo tuloy ang sarili mo.
Blinock ka ba? O nagdeactivate lang sya?
Pero wala. Wala na.
Yung tipong pagsearch mo ng pangalan nya. Walang lumalabas.
Mga iba't ibang mukha na kung sinu-sino ang lumalabas.
Pero kailangan mong tanggapin.
Hindi lahat nagtatagal. Dapat mong harapin.
Na ang iba nagsisumula sa "Hi!"
Pero nagtatapos din sa "KBye."

Plagiarism is a Crime punishable in by law.

©2018
ALL RIGHT RESERVED.

Spoken Poetry 101Where stories live. Discover now