17

743 5 0
                                    

Para nga pala ito sa mga taong minsan ng nahulog o umibig sakanilang bestfriend na walang magawa kundi itago na lamang ito para sa ikaaayos ng kanilang FRIENDSHIP so ito na,

Hanggang kailan ko pa kaya ito kayang itago?
Itago ang lihim Kong pag ibig sayo?
Itatago ko pa rin ba ito hanggang sa kaya ko pa?
Pano kung Hindi ko na kaya?
Itatago ko pa rin?
Kahit Sobrang sakit na?
Siguro tama ngang itago ko na lang.
Kasi nakakatakot,
Nakakatakot aminin na mahal ko na siya
Nakakatakot na baka masaktan lang ako sa sasabihin niya
Nakakatakot na baka masira Yung FRIENDSHIP naming ilang taon ding pinagsamahan
Gusto ko mang aminin pero inuunahan ako ng kaba
Masakit man sakin pero wala akong magagawa
KAIBIGAN lang ang Turing niya sakin
Samantalang ako?
Hindi lang basta kaibigan kundi mahal ko na
ANG HIRAP MAINLOVE sa best friend
Lalo na't kung Yung best friend mo ay may mahal na
Alam Kong Hindi lang ako ang nakaranas ng ganto.
Alam kong ganito ka rin.
Kaya wag kang magmukmok
Dahil Nandito ako para damayan ka
Ang saya noh? Ang sayang mag panggap na okay lang na may mahal siyang iba
Kahit ang totoo ay sinisigaw ng puso mo na "dapat ako Yung mahal mo at hindi siya"
Wala kang magagawa kundi magpanggap lang
Magpanggap na masaya sakanilang dalawa
At taga support lang sa kanilang dalawa
Habang pinagmamasdan kayo sa malayong masaya at ako naman ay may luhang di matigil tigil sa pagpatak.

[Plagiarism is a Crime punishable by law.]

©2018
ALL RIGHT RESERVED.

Spoken Poetry 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon