16

824 6 1
                                    


Sa malayong tanaw ay nagmumuni-muni
Ngunit ang pag-awit ng ibon ay di mahuni
Napayuko at wari'y may inaalala
Subalit ang lahat yaon ay di maalala

Higit pa sa sampu ang ating samahan
Ngunit sa paglipas ng oras ay unti-unting nalalagasan
Paghahanap niyo ng ibang malalapitan
Ay nagdulot sa akin na madulas sa kinakapitan

Akala ko ay lahat kakapit ng mahigpit
Tulong-tulong at kapwa magkakapit bisig
Ngunit iba ang nakikita ng aking mga mata
Kayo'y humawak lamang upang guminhawa

Humakbang ng ilang beses para dumistansya
Subalit iyon ay lumagpas lima at sumobra
Kaya ngayon kayo'y nakagawa ng isang di katanggap-tanggap na pasya
Ang paglisan ninyo na nagdulot sa aking pag-iisa

May mali ba akong nagawa?
May kulang ba ako sa lahat?
Ginamit niyo lang ba ako? O
Sadyang katuwaan niyo lang ako?

Oo, masakit ngunit ang luha ko'y di para sa inyo 
Ang luhang ito ay para sa sarili ko
Sa lahat ng pagsisisi dahil sa kasamaan ko
Na pumili ng kaibigan na alam kong tatraydurin at iiwan ako sa dulo.

[Plagiarism is a Crime punishable by law.]

©2018
ALL RIGHT RESERVED.

Spoken Poetry 101Where stories live. Discover now