44

434 3 0
                                    


Bago ako mahulog
Sa kawalan na dati ay kalawakan
Gusto kong mahawakan
Ang iyong mga kamay
Bago ako mahulog
Sa mga luhang naiipon sa aking mata
Nais kong makita ka.
Gusto kong isa-isahin
Na haplusin Ang bawas detalye
Sa iyong muka
Na malapit ng maging ala-ala.
Gusto kong yakapin ka ng mahihpit
Sa mga huling sandali.
Bago ako mahulog...
Sa katotohanang Wala na.
Wala na ang pag-ibig na minsan mong ipinangako.
Nasa tabi kita ngunit gaano ko mang subukang iunat ang aking kamay para maabot ka ay Wala na.
Tila wala ng pag-asa.
Nananalangin na sana'y bumalik ang kislap sa iyong mga mata
Ngunit tila Wala na nga talaga.
Ang dating yakap at haplos.
Alam kong nagbago na ang nararamdaman mo
At malapit ko ng marinig ang salitang kinatatakutan ko
Kaya bago ako mahulog
Sa matinding sakit
Nais kong malaman mo
Na hindi ako nagbago,
Narito pa rin ako nagmamahal sayo.

Plagiarism is a Crime punishable by law.

©2018
ALL RIGHT RESERVED.

Spoken Poetry 101Where stories live. Discover now