31

438 1 0
                                    


Maniwala man sila o hindi,
Dito tayo nagkatagpo.
Maski ako,
Diko akalain na sa dinarami-rami ng lugar ay dito pa talaga,
Laking tuwa ko na makilala kita,
Sabi ko nga sa sarili ko'y napaka swerte kong tao
Pagkat kadalasan sa mga tao na nagkakakilala rito ay naloloko, nasasaktan at umiiyak. Pero ako?
Naging masaya ako
Labis ang naging kasiyahan ko
Minsan nga,
Natatawa ako sa tuwing naiisip na dito tayo nag simula
Dito tayo nag kakilala
Dito tayo naging mag kaibigan
Dito tayo nag sabihan ng mga sekreto't problema
hanggang sa;
Dito na rin tayo nag aminan ng nararamdaman
AT
Dito rin tayo nag umpisang mag mahalan.
Nakakatuwa diba?
Facebook o Social Media,
Nakakatakot man na may makilala kang ibang tao rito,
Malay mo? Siya na ang taong mamahalin mo
Hindi masama mag ka-lovelife sa facebook,
Ang masama ay sumobra ang oras mo sa pag gamit nito at di ka na tumutulong sa magulang mo Basta mahal nyo ang isa't isa at may tiwala kayong dalawa,
Ang salitang "walang forever" na sinasabi nila?
Mapapatunayan nyo,
Pag parehas kayo lumabang dalawa na mag kasama.

Plagiarism is a Criame punishable by law.

©2018
ALL RIGHT RESERVED.

Spoken Poetry 101जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें