33

415 2 0
                                    


Naalala mo pa ba noon una tayong nagkakilala?
Naalala mo pa ba yung oras na tayo'y magkasama?
Naalala mo pa ba na sabay nating hinarap ang mga problema?
Ngunit bakit ngayon ay nasan ka na?

Buhay ko'y nagbago simula noong dumating ka,
Mundo ko'y nagkakulay nang mahagkan ka.
Ngunit unti-unting gumuho ang mundong ito simula ng lumayo ka,
At ang kulay na dating masigla ay unti-unting nawawala

Lumabas, gumala kahit na saan lan magpunta
Pero bakit ba ang buhay ay laging madaya?
Nakamove on ka at nakahanap ng iba,
Ngunit ako'y narito, tinatanaw ka.

Nagpakatanga,
Laging nakatulala,
Palaging lumuluha,
Pero sa tabi ko'y wala ka.

Segu-segundo, minu-minuto,
Oras-oras, araw-araw
Hanggang sa ilang buwan ang nagdaan,
Ngunit hanggang ngayon ay di ka mapakawalan.

Sa langit ay nakatingala
Umaasa na ang nararamdaman sa'yo ay mawala.
Pero ang masakit ay aasa naman ako
At puso'y muling magkapira-piraso.

Ako'y maghihintay ba sa'yo?
Kahit araw-araw ay nasasaktan ako?
O aalis at magpakalayo-layo
Upang puso ay muling mabuo?

Madali nga ba umiwas at palayain ka?
Kung ikaw lang dito sa puso ang mahalaga?
Madaling sabihin ang salitang 'move on' sa iba,
Ngunit pag sa sarili na ay di magawa.

Ano nga ba ang tawag sa taong kagaya ko?
Na kayang sabihin na 'Mahal kita' kaso sa paningin ng iba ay pagiging 'Tanga'?
Paano ba ang katiwasayan ay matunton,
Kung pati sa 'move on' ay may tanong?

Plagiarism is a Criame punishable by law.

©2018
ALL RIGHT RESERVED.

Spoken Poetry 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon