28

533 4 0
                                    

Nang ika'y dumating sa akin
Pag ibig mo'y ipinaramdam mo sa 'kin
Galak ang aking nararamdaman
Sa puso kong ito'y ikaw ang tanging laman

Umaapaw ang saya
Sa puso kong ikaw lamang sapat na
Akala ko ikaw na
Pero hindi naman pala

Ngayon ako, na rito na
Ang dating ligaya'y nawala na
Ang dating ngiti sa labi ko'y wala na
Ang dating pinagsamahan nati'y naging abo na

Sinunog mo na ba?
Ang dating pinagsamahan nating masaya?
Bakit? Bakit mo ako iniwan at sakit ang iyong pinadarama?
Sabagay, ganito nga pala pag nasaktan na

Hindi pa ba sa iyo sapat?
Ang pag ibig na aking ipinagtapat?
Pero para sa akin, ang pag ibig mo'y labis pa sa sapat
Ganito ako sa iyo katapat

Ngunit bakit sa akin,
Pag ibig ko'y kinalimutan mo na lang din
Gano'n na ba kadali rin?
Na kalimutan ang pag ibig kong ibinigay ko rin?

Pag ibig at pangako mo sa aki'y napako
Nang katulad mong hindi tumupad sa pangako
Minahal kita ng lubos sa inaakala mo
At ito naman ako, nagpakatanga sa mga pangako mo

Mahirap alisin
Ang sakit na ipinaramdam mo sa akin
Na gano'n rin palang kadali rin
Na kalimutan mo ang ating pagiibigan din

Pagiibigan na sobra kong ikinasaya
Na napunta sa lungkot ngayon na aking nadarama
Ligaya kong dati'y abot hanggang langit
Na ngayo'y parang papel na napunit

Akala ko pag ibig mo ay totoo
Mga pangako mo sa akin ay napako
Napako at kinalimutan mo
Mahirap pala magmahal ng totoo

Dahil sakit at hapdi lang ang idudulot nito
Magtira ka rin pala sa sarili mo
'Wag mong ibuhos lahat ng pagmamahal mo
'Yan ang aral na natutunan ko

Dahil ang pagmamahal ay may kasamang sakit
Mahirap gamutin na sakit
Hindi lang pala sakit
Kundi lubhang masakit

Plagiarism is a Criame punishable by law.

©2018
ALL RIGHT RESERVED.

Spoken Poetry 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon