6

1.7K 21 1
                                    

Tila ang babaw ng iyong dahilan.
Para ang ating relasyon ay iyong wakasan.
May pagkukulang man ako sa ating samahan.

Hindi ito dahilan para ako'y iyong iwan.
Mga salitang iyong binitawan.

Sariwa pa sa aking isipan,
Mga pangakong iyong itinaga.

Na nauwi na lamang sa wala.
Ngunit ngayo'y tanggap kona.

Na may mahal ka ng iba.
Nawalan ba ko ng pagpapahalaga?
Nagkulang bako sa pag aalaga?
Kaya naging ganyan kana!

Biglang nawala na parang bula.
Una palang dapat diko na pinagpilitan pa.
Dahil sa huli, hindi naman pala tayo para sa isa't isa.

Ilang sandali palang ang lumipas.
Mga alaala'y hindi kukupas.
Hindi makakalimutan sa bawat oras.
Ngayo'y nangungulila sa yakap mong mahigpit.

Kahit alam kong di na iyon mauulit.
Gumawa man ako ng paraan at ipilit.
Wag kang mag alala, di ako nagtanim ng galit.

Dahil alam kong masaya kana sa kanya.
Lahat naman ay aking ginawa.
Tumatag lang ang ating pagsasama.

Malabo man ako'y iyong balikan.
Pero ito ang iyong pakatatandaan.
Mahal na mahal kita.
Salamat sa mga alaala.

[Plagiarism is a Crime punishable by law.

©2018
ALL RIGHT RESERVED.

Spoken Poetry 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon