5

2.3K 20 0
                                    


Magiging okay din ako
Puso, isip, at kaluluwa ko
Magiging okay din ang lahat,

Yung tipong wala nakong pake, Wala
nakong nararamdaman, wala na akong nararamdaman ni kahit isang katiting.


Dun palang sobrang okay nako,
Dun palang sobrang saya ko na
At handa na akong ngumiti at tumawa ng totoo.

Totoo kase hindi na plastik,
Hindi na plastik kase wala ng sakit
Sakit na dala mo,
Sakit na dulot mo.

Sakit na kinakailangan kong itago
Kinakalingan kong itago sa tuwing kaharap ko ang mga magulang ko,
Sa tuwing kaharap ko ang mga kaibigan ko.
Kinakailangan kong itago sa tuwing may nakakasalamuha ako.

Sakit na gustong-gustong lumabas kaso walang mapaglabasan.
Walang mapaglabasan ng nararamdaman
Dahil alam ko,

Alam ko sa sarili ko na kaya kong lagpasan ang lahat ng 'to,
Lahat ng ito ng ako lang
AKO LANG .

Dahil sa tuwing iniiwan ako
Sarili ko lang ang sandigan ko.

Ayokong sanayin ang sarili ko na laging may nandyan sa tabi ko.

Dahil ayoko,
Dahil takot ako maiwan ,
Dahil takot akong iwan din ng mga nakasanayan kong tao na laging nandyan sa tabi ko.

At sana isang araw
Magising nalang ako na okay na ang lahat
Okay na ang puso ko,
Okay na ang isip ko
Kaluluwa ko,
at Ako.
Makakaya ko 'to.

[Plagiarism is a Criame punishable by law.]

©2018
ALL RIGHT RESERVED.

Spoken Poetry 101Where stories live. Discover now