20

660 9 1
                                    

"Sa bawat paghakbang ng mga paa ko
Sa isa, dalawa, hanggang tatlo
Mga numerong tumatak sa isipan ko
Sa integers, negatibo at postibo
Mga nagsilbing pagiging malakas ko
May mga bagay na tila nabubura ata napapalitan ng bago
Tulad ng dati parang kayo
Plus sa addition
Minus naman ay subtraction
Idagdag mo pa ang times sa multlipication
Teka! nakalimutan ko sa divission
Lahat ng problema may solusyon
Kung sa math? formula lang 'yan at tanging equation
Dumako muna tayo kung saan ating naririnig
Na mistulang mga kuliglig sa ating pandinig
Ang sinasabi nilang "PAG-IBIG"
'yung akala ko one to one ka
Pero nalaman ko nalang one to many pala
E hindi ka kasi makuntento sa isa!
Kaya ayan !hindi nag-function relation nating dalawa.
Sabi mo na hanggang parallel lines lang talaga na kahit kailan hindi mag-mememeet
Pero ako to e!
Ako itong kusang lumalapit kahit nakararamdam ng poot at sakit.
Kung si ex dati may halaga
Pero ngayon?
Kailangan mo munang i-solve para makuha ang value niya
Ang pag-ibig na ito ay "IIntersecting Lines" sabi ko sa kanya
Pinatagpo ngunit hindi itinadhana
Kung sa math may problema sa equality?
Kayang i-solve ng iba't ibang property
Pero bakit ako?
Hindi ko pa rin mahanap si destiny?
Tayo muna ay maiba
Puro pag-ibig na yata
May iilan akong halimbawa
Kung sa bahay pagsasaing ang una.
May 1/2 1/4 1/8 and 1 whole kang sinusukat hindi ba?
Pangalawa.
Pag binigyan ka ng baon ni mama
Ma! bakit kulang? dagdag pa!
Pangatlo.
Tatlong beses kong binilang kung ilan ang nakain ko at nasabing
Mataba na ba ko?
Bawas bawas muna wika ko
Minsan ngang napadaana ko sa isang tindahan
Ale! ale! pabili nga ng toyong silver swan.
Pagbilang ko ng sukli ko?
Teka mali ito sabay takbo!
Mga kaibigan iilan lamang na dahilan ito upang maiwika niyong
"Mathematics Nagsilbing Buhay ko at Pag-ibig"

[Plagiarism is a Crime punishable by law.]

©2018
ALL RIGHT RESERVED.

Spoken Poetry 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon