11

989 8 0
                                    


Babae? Sinu nga ba sila sa buhay nating mga lalake?
Sila yung pag gising ng umaga ikaw ang unang paiinumin ng kape
At tatanungin ka pag may Sakit ka na "Uminom kana ng gamot Bhe"
Dahil ang mga babae? oo madalas maarte,
Pero hindi lahat nadadaan sa tsokolate.
Imbis na mamahaling flower, malalaking teddy bear,
Bakit hindi mo nalang bigyan ng letter?
Dahil ang mga babae? oo madalas maarte,
Pero kaya nilang dumaan sa maputik na kalye,
Kumain ng kikiam at fishball sa tabi-tabi,
Makasabay lang sa iyong pagkalalaki.
Dahil ang mga babae? oo madalas maarte,
Pero dapat ipinagmamalaki, pinagsisigawan,
Dahil buwan-buwan na nga silang nahihirapan,
Kaya pakiusap huwag mo ng sabayan.
Dahil ang babae? oo madalas maarte.
Kaya ikaw.? Pahalagahan mo si babae, kahit na minsan pabebe Ay kaya kang ipag tanggol sa harap ng marami. Kahit na matigas ang ulo mo??
Kahit na ang pasaway mo?
Kahit na inaaway mo?
Ay Hindi ka sinukuuan nito
Kaya kung ako sayo? Sundin mo ang taong nag mahal sayo
Dahil pag iyan Nawala? Ayyyy nako.
Labis Labis na pag sisisi ang pag dadaanan mo!

[Plagiarism is a Crime punishable by law.]

©2018
ALL RIGHT RESERVED.

Spoken Poetry 101Where stories live. Discover now