18

708 5 1
                                    

Sa aking paningin ika'y napakaperpekto
Mas lalo pa kitang minamahal ng dahil sa mga pagkakamali mo Ano nga ba ang iyong ginawa sa aking puso na nabighani sa kagandahan mo?
Pinapanalangin ko na sa bawat pagtawa at pagngiti mo,
ako ang dahilan nito
Sa bawat pagdaan ng mga araw, kada makikita kita, tila ba tumitigil ang ikot ng mundo
Lumalabo ang paligid at ikaw lang ang nakikita ko
Hindi maipaliwanag ang nararamdaman at tibok ng puso ko
At pag ngumiti ka para bang ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo
Aking pangarap ay mahawakan ang iyong mga kamay, hinding- hindi na bibitaw kahit mapagod pa sa paglaban
Mga luha mo'y pupunasan pag ikaw ay nasaktan
Poprotektahan ka kahit na ang kapalit nito ay ako ang masasaktan
Hindi ka ipagpapalit kahit sa'yo ay marami pang mas higit
Hayaan mong hilumin ko ang iyong mga sugat dulot ng iyong nakaraan
Pagmamahal ko sayo'y walang hanggan
Asahan mong sa tabi mo'y hindi ako lilisan

[Plagiarism is a Crime punishable by law.]

©2018
ALL RIGHT RESERVED.

Spoken Poetry 101Where stories live. Discover now