Chapter three

4K 40 0
                                    

JANUARY 2015

"You're sorry because you're turning down my offer?" Mabilis akong napatingin sakanya at umiling ng ilang beses.

"No, no, no! Actually, I'd love too! Kaso kasi, nag sneak lang ako..." Nahihiya kong sabi. 

Kung umasta ako kanina sa harapan niya parang isang babaeng independent na hindi umaasa sa bulsa ng magulang. "Magagalit ang Mommy ko kapag nalaman niya 'to." Natawa ako sa sarili ko matapos kong sabihin 'yon.

Nanatili lang siyang nakatingin saakin at tumaas ang gilid ng labi nito para sa isang ngisi. "Stubborn." Komento niya kaya nag palabas ako ng pag hinga. 

Stubborn ka dyan! "May alam akong masarap na lugawan kaso malayo ng konti. Wanna join me?" Aya niya saakin. 

Sounds great! Bigla din akong nag crave sa mainit na sabaw para higupin!

"Tara, sarap pa naman mag lugaw ngayon." Natutuwang sabi ko at naglakad na kami.

Medyo malayo lang pala sa Club ang kulay grey nitong fortuner. Maayos itong naka park sa isang gilid kasama ng iba pang mga kotse. Pinatunog niya ito para mabuksan kaya nalaman kong 'yun na ang sasakyan niya.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa front seat before heading to his driver's seat. Nang makasakay ay agad na nilibot ng mga mata ko ang loob nito. Amoy bago, hindi nakakahilo ang amoy ng sasakyan niya at sobrang linis din. Kulay beige na leather ang cover ng mga upuan.

"New car 'to?" Wala sa sarili kong tanong. Napatikom nalang ako bigla ng bibig dahil sa sinabi ko.

"Yeap." Tugon niya habang ini-istart ang makina.

When the engine starts, he started driving. It was smooth and slowly. Nakababa din ang mga bintana at ang hangin na pumapasok sa loob ng sasakyan ay dinadama ko bawat haplos nito sa mukha ko. 

Malamig ito kaya't nakakawala rin ng hilo. Tahimik ang kalsada ng BGC kaya't narinig ko ang pag play ng isang kanta. Inalis ko ang pagkakahilig ng ulo ko sa bintana at napatingin sakanya. 

A gentle smile curved to his lips habang ang mga mata'y seryosong binabaybay ang kahabaan ng kalsada. Pinasadahan ko ng tingin ang gumagalaw nitong braso sa tuwing nililiko niya ang manibela. His long sleeves is perfect for his build. Para bang itinahi ito ng para lang sakanya.

I didn't expect to start my day like this.

Mahigit trenta minutos ang biyahe ng makarating kami sa lugawan. Konti lang ang taong kumakain doon. Umupo kami sa isang bakanteng lamesa at ng dumating ang lalakeng satingin ko'y waiter, siya na ang umorder.

Dalawang special na lugaw at tokwa't baboy. Nang makaalis ang waiter, agad sinuyod ng mga mata ko  ang buong paligid. It is called Aling Maria's Lugawan. 

May picture ng isang matandang babae na I think, si Aling Maria. This place looks old at tingin ko'y nagkaroon ng kaunting renovation dahil may touch ng kaunting modern style pero pinapanatiling vintage ang itsura ng lugawan kainan na ito.

"How did you find this place?" Tanong ko habang pinapasadahan padin ng tingin ang abalang kainan.

Nilagay niya ang mga siko niya sa ibabaw ng lamesa at pinasilop ang mga kamay nito. ito. "I just know." Sagot niya. Napasandal ako sa upuan ko.

Last RoseWhere stories live. Discover now