Chapter thirty three

973 19 1
                                    

Wala ni isang nag sasalita at tunog lang ng kutsyara't tinidor ang ngayong naririnig sa harap ng hapag kainan.

Nandito ako ngayon sa bahay ng Lolo at Lola ko. Kasama si Mommy at sa hindi inaasahan, kasama rin namin kumain ngayon ang pamilyang Agustin. Kanina pa ako hindi makapag pigil na makaalis ngayon dito. Nakakawala kasi ng gana maisip ko lang na pag uusapan na naman ang katangahang kasal na naiisip ng Lolo ko.

Narinig ko ang pag tikhim ni Lolo kaya napatingin ako ng kaunti sakanya at nakita kong ibinaba niya ang kutsyara't tinidor niya bago nito punasan ng napkin ang bibig niya.

"How's food?" Nakangiting tanong ni Lolo.

"Paboritong paborito nitong si Duke ang Paella kaya ayan hindi makapag salita." Natatawang sabi ni Mrs. Agustin at hinawakan ang ulo ni Duke at ginulo ang buhok pero siya tuloy padin sa pagkain. Sige, kain ka lang dyan.

"Oh, that's great! May pagkakapareho talaga sila ni Mikee." Napatingin naman ako kay Lola ng marinig ko ang pangalan ko.

Sasagot na sana ako at tutol sa sinabi ng matandang 'to ng hawakan ni Mommy ang kamay ko. Pambihira talaga, oh. Hindi ako makapaniwalang pati si Mommy nagagawang maki sakay sa kalokohan na 'to. Napasandal nalang ako sa upuan ko at inilapag ang kutsyara't tinidor ko.

Wala ngang paella na makikita sa pinggan ko! Pano ko naging paborito 'yan?

"Are you done, Hija?" Nabalik ako sa pag iisip ng tanungin ako ni Mr. Agustin. Ngumiti naman ako at umiling saka muling bumalik sa pag kain. Nakakawalag gana talaga sa totoo lang.

"Sya nga pala Papa, nakahanap na po ako ng simbahan para sa magaganap na kasal sa November." Bigla akong napatingin kay Mommy ng marinig ko ang sinabi niya. Simbahan? November? Kasal? Huwag niyang sabihin ako at si Duke ang ikakasal!

"Mabuting mapuntahan ng dalawa para makita nila." Natutuwang sabi ni Lolo at sa tono palang, alam kong natutuwa siya.

"Pupuntahan po namin this week ni Mikee." Si Duke. Tinapunan ko naman siya ng tingin at napahigpit ang hawak ko sa kutsyara't tinidor.

"Busy ako this week. Hindi kita masasamahan." Sagot ko at ibinalik ang tingin ko sa plato na para bang hindi ako apektado sa pinag uusapan nila. Inisip ko nalang na para kaming nag ro-role playing.

"You can do that next week o kaya sa susunod pa na linggo. Mabilis naman ng maihahanda ang bagay bagay kaya we don't need to hurry." Gustong gusto ko ng umalis sa kinauupuan ko pero hindi ko magawa. Nakakainis na para nila akong pinag tutulungan. Mga hibang na ba sila?

Inangat ko ang mga tingin kay Lola at ngumiti ako. "How about my wedding gown? Alam ko hindi pwedeng i-rush ang ganung klaseng damit." Ngiti ngiti kong sabi sakanya.

"Your wedding gown?" Tumango ako. "It's almost done. Pupuntahan niyo ng Mommy mo bukas para masukat mo. Kayo nalang naman ang hinihintay para maganap na ang Wedding of the Century." Sagot niya saakin at nag tawanan silang lahat. Panong may wedding gown na ako ng hindi pa ako nasusukatan? Walanjo talaga bilis ng mga 'to!

No, marami pang pwedeng gamiting paraan para pigilan ang punyetang kasalan na 'to.


Nakisabay ako tawanan nila dahil sa sinabing iyon ni Lola. Naaninag ng mga mata ko si Duke at nakita ko rin na mukhang masayang masaya din ito sa narinig niya. Hindi ako makapaniwalang nagagawa niyang maging masaya ng ganyan at mag pakasal pero may girlfriend naman pala siya. Anong trip niya?

Last RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon