Chapter four

3.4K 29 0
                                    

Tapos na ang pag perform namin sa stage at ngayon at kasalukuyan na kaming nakaupo at kumakain. 

Hindi ako mapakali at makakain ng maayos dahil naririto rin sa table namin si Kijan. He's sitting with us, in front of me.  

Nakikita ko rin sa gilid ng mata ko ang mga tingin ni Kijan saakin pero hindi na ako nag abalang tignan pa siya para lang malaman ko kung nakatingin nga talaga siya. His presence here is just too much that I can't bare. Any second now, pu-pwede narin ako mag paalam sakanila para umuwi. 

Walang nag sasalita at tanging tunog lang ng kutsyara't tinidor ang naririnig sa table namin. Hindi naman masyadong pansin ang sobrang tahimik namin dahil sa maingay ang buong paligid.

"Oh tara, Club tayo after nito." Pag putol ni Les sa nakakabinging katahimikan. Lahat kami napatingin sakanya.

"I can't. Mag babantay ako kay Nicki eh." Ani Yiko. Si Nicki ay 'yong tatlong taong gulang niyang anak.

"Ako, samahan kita." Excited na sabi naman ni Valie. Itong babaeng 'to, taong club. "Hoy Polo, sasama ka!" Tinuro niya si Polo na siyang tahimik lang na kumakain.

"Bawal ako, Val. Kayo nalang." Walang ganang ani nito habang pinapasadahan ng tinidor ang pinggan niya.

Aba siguro nag away na naman sila ng fiancé niya?  Ikakasal na eh, wala pading progress.

Valie rolled her eyes at tumingin saakin. "Hindi ako pwede. Kayo nalang ni Les." Pinanguhan ko na siya.

Kinuha ko ang wine glass na may lamang tubig at tangkang iinom na sana ng makita ko ang matang nakatingin diretsyo saakin.

Si Kijan. I was right. I've never been wrong kapag siya ang pinag uusapan. Halos mabalik ko naman ang wine glass sa pwesto nito at naupo nalang ng maayos. Kahit hindi ko ipahalata through actions, alam kong alam niya. We've been together for years, I know na sa galawan ko palang na 'to, I looked so tense. 

Maybe not? Maybe he didn't think of it that much at hindi naman siguro ako malaking impact para sakanya.  

"Tara Kijan, tayo nalang tatlo nila Les." Aya ni Valie sakanya kaya hindi ko napigilang tapunan siya ng tingin. Gosh, Valie? Lost thread na ba 'yang utak mo? Bakit niya pa aayain 'yan?

Napansin ko ang pag alis ni Kijan ng tingin saakin at bumaling ang mata sa nag aayang si Valie.

A quick smile landed on his lips before he answer. "Sure," wala pading pinagbabago ang mga ngiting 'yon.

Nag matured lang ng kaunti ang mukha niya. Nagkaroon din siya ng stubbles—a ducktail beard actually. 

Nakita ko rin na nag improve pa ang pangangatawan nito. Mas naging malapad ang balikat nito at lumaki ang braso niya. Everytime he moves, I can't help but look at his perfect sculpted body. Sa apat na taon ko ba naman 'tong hindi nakita ng personal, alam kong may nag iba talaga sakanya. Iniwas ko na ulit ang tingin ko at nag tuloy nalang sa pag kain ko.

Matapos ng party, sinabi ni Eunice na huwag na muna kaming umuwi dahil may after party ito. Umuwi narin ang mga pamilya ni Jaydy at ang puro young adults nalang ang natira. Konti na nga lang dahil masyado naring late.

"Dito nalang tayo." Valie said holding my hands.

"I need to go now. Alam mo naman diba?" Buntong hiningang sabi ko. She knows it. Hindi ko na kailangan pang sabihin dito.

Mag sasalita pa sana si Valie kaso biglang dumating na si Jaydy, Les, Eunice at Kijan. Hinatid kasi nila si Polo at Yiko na kailangan na talagang umuwi.

"Stay ka muna, Mikee. Birthday ko oh." Pang kokonsensya saakin ni Jaydy.

Pinilit pa nila ako ng paulit ulit at dahil sa ayoko naman mag mukhang pa VIP dito, I stayed.

Last RoseWhere stories live. Discover now