Chapter eighteen

1.2K 14 0
                                    

Napalingon ako sa likuran ko ng may humawak sa kamay ko. Nakaramdam ako ng disappointed when I saw Dace standing infront of me. "Saan ka ba pupunta?" Tanong niya.

Umiling ako na para bang binubura ang mga nakita ko. Nagkamali lang siguro ako. "Umuwi na tayo. Madami na tayong nainom." Aya ko sakanya at hahakbang na sana ako ng higitin niya ang kamay ko.

Laking gulat ko nalang ng idikit niya ako sa pader at inilagay ang isang kamay nito sa kaliwang bahagi ko. "We can stay here." He said huskily. Ano bang ginagawa niya?

Amoy na amoy ko na ang alcohol sakanya. "Lasing kana." Malumanay na sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya. Mapungay na ang mga mata niya at mahahalatang may tama na nga talaga.

Umiling siya at ngumiti. "Kung hindi na ako makapag drive pauwi, ikaw ba ang maghahatid saakin?" Ano raw? Ngayon naman para siyang bata kung magsalita sa harapan ko. Napatawa naman ako.

"Hindi. Itatawag kita ng bullet driver." Sabi ko at kinuha na ang phone sa pocket ko. Aalis na sana ako para lumabas ng bigla niya ulit akong ibalik sa pwesto ko kanina.

"Stay here." Nagbago ang expression ng mukha niya. Diretsyo lang din ang tingin niya sa mga mata ko at nakakunot ng kaunti ang noo niya. Mas lalo akong hindi nakagalaw ng unti unti niyang ilapit ang mukha niya.

Hala, I'm trap! Balak ko na sanang alisan siya ng magulat akong makita si Dace na lumagapak sa sahig at napahawak sa panga niya. Nakita ko din ang dugo sa labi niya. Tinignan ko naman kung sino ang sumuntok at gumawa sakanya non.

Magsasalita na sana pero natigilan ako ng makita ko kung sino 'yon..

"Kijan?" Nag tataka kong tanong. Galit na galit ang mukha niya habang nakatingin ng masama kay Dace. Panandalian akong nakatingin lang sakanya hanggang sa marinig ko ang daing ni Dace kaya lumapit ako at tinulungan itong tumayo. "Bakit mo naman ginawa 'yon?!" Umakto akong parang walang pakialam sakanya at hindi nagulat ng makita siya.

"Are you out of your mind? There's a guy trying to kiss you pero wala ka parin bang gagawin?!" Galit na sabi niya saakin. Are you out of your mind din ba? Bakit ganyan ka maka-react!

Hindi ako makasagot sakanya. Natameme lang ako. Kailangan may maisagot ako sakanya! Ikinabigla ko nalang ang paghatak niya sa kamay ko palabas ng Bar. Hinawakan lang niya ang kamay ko kahit na pilit akong mag pupumiglas pero masyadong siyang malakas kaya hindi ako makaalis sa mga kapit niya hanggang sa makarating kami sa parking lot.

"Ano ba, bitawan mo nga ako!" Inis na sabi ko at tuluyan niya ng binitawan ang kamay ko. Nakatalikod lang ito habang nakapamewang at paikot ikot sa kinatatayuan niya ng bigla siyang tumigil sa harap ko.

"What's wrong with you, Mikee?!" Bulyaw niya saakin na halos mapa atras ako.

"Bakit ba? Ano bang maling ginawa ko?" Sigaw ko pabalik sakanya. May ilang tao na ang napapatingin saamin pero dedma lang ako. "Malaking kaso naba ang makipag halikan sa ibang lalake?!" Sagot ko pa sakanya. 

It's not like I'm willing to do it. Hindi ko din naman gusto ang gagawin saakin ni Dace. Paniguradong lasing lang siya kaya ganun ang mga kilos niya.

Nakita ko naman ang pag tawa ni Kijan na mukhang naiinis na. Sige, mainis kalang. "Ngayon alam ko na." Tumatangong sabi niya. Alam ang alin? "Huwag ka ng lalapit pa sa lalakeng 'yon, ever again!" Muli niyang sigaw saakin. Ang gulo gulo na!

Last RoseWhere stories live. Discover now