Chapter ten

1.8K 20 0
                                    

Mabilis na umandar ang oras gaya nalang ng pag lipas ng araw. Nalalapit na ang birthday ko pero hindi ko padin talaga alam ang pu-pwede kong i-plano para sa araw na 'yon.

Sabi ni Lolo, pu-pwede akong mag punta ng ibang bansa at mag travel ng mag isa as their gift for my 19th birthday.

Iniisip ko palang ang pag punta sa isang lugar - bansa na hindi ako pamilyar, matinding kaba na kaagad ang nararamdaman ko. Kaya ko ba 'yon? But... that would be nice! Ibang experience din 'yon.

Kahit wala akong bucket list, pwede rin maging isang achievement na nakapag travel ako ng mag isa.

"Mikee, ano?" Kinalabit ako ni Valie kaya nawala ako sa pag iisip ko. Napaayos ako sa pagkakaupo at napatingin sakanya. "Ano ng balak mo? Swimming nalang sa isang private beach na mayroon ding private pool!" Natutuwang suwestyon niya. Pwede rin naman 'yon.

"Oo nga. Kahit three days and two nights lang! Mag bonfire tayo sa huling araw tapos kantahan!" Sabi ni Les at tumango naman si Polo bilang pag sang ayon.

Sinuyod ng mga mata ko ang loob ng cafeteria kung nasaan kami ngayon upang mag tanghalian. Pare-parehas kasi kaming vacant apat.

Si Yiko, mas matanda saamin ng dalawang taon kaya para bang senior na ang tingin namin sakanya. Bago pa man siya gumraduate dito, kilala na namin siya bilang isang sikat na musician. Naging malapit lang kami sakanya sa pamamagitan ni Jaydy.

Si Jaydy naman may klase pa kaya hindi namin siya kasama ngayon.

"Set na natin 'yan, Mikee! Wala naman tayong mga ka-date eh. Gawin na nating 13, 14 at 15." Ani Polo. Aba talagang nag set na sila ng date at hindi ako hinintay, ah?

Hinampas ni Valie si Polo sa balikat. "Anong wala kang ka-date dyan? May ka-date 'yan si Mikee noh!" Sabay kindat nito saakin.

"Si Kijan? Edi isama natin siya!" Si Polo habang hawak hawak ang balikat niyang hinampas ni Valie.

Isasama namin siya sa swimming? Ayoko nga! Paniguradong aasarin lang ako ng mga ito at magkakailangan lang kami ni Kijan sa loob ng tatlong araw!

Malakas na napahalakhak si Les, "Magsama nalang din tayo ng mga babae!"

"Ang lalakas ng loob ng mga 'to! Akala niyo naman may sasama sainyo!" Panirang sinabi ni Valie at inirapan ang dalawa.

Naglalaro tuloy ang isip ko at nagtatalo kung itutuloy ba ang pag ta-travel ng mag isa o hindi nalang. Ngayong nakikita ko na silang nag pa-plano sa mga bagay bagay, umaatras na ang plano kong puntahan ang bansang Korean o Guam.

Parang ang selfish ko naman kung sabihin ko sakanila na gusto kong mag celebrate ng mag isa. Gayung nakikita kong masaya sila sa mga pinaplano nila para sa birthday ko.

"Tara!" Nakangiting sang ayon ko.

"G na sa feb 13 to 15?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Les. Tumango ako at mga nagsi-ngitian ang mga ito ng sobrang lapad.

Nauna na kami ni Les sa bahay nila dahil doon daw magkikita kita para pagplanuhan ang nasabing swimming para sa birthday ko. Mamaya pa ang labas ni Valie at Polo kaya paniguradong magsasabay na sila pero si Yiko at Jaydy, padating na.

Ilang minuto lang ang paghihintay at maya maya ay dumating na si Yiko at Jaydy. Habang hinihintay pa sila Polo at Valie, nagkwentuhan muna kami at kumain ng hapunan. Mukhang matatagalan kasi sila.

Last RoseWhere stories live. Discover now