Chapter seventeen

1.3K 18 2
                                    

Napaupo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama. Hinahabol ko ang pag hinga ko nang hawakan ko ang dibdib ko dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.

Napatayo ang balahibo ko ng maalala muli ang panginip ko. Nakakakilabot na para bang totoong totoo na ngyayari ito.

Some things were slowly fading away. Mga iimportanteng detalye nalang ang natitira ngunit pilit ko paring inaalala ang iba. Napapikit ako ng mariin at muling idinala ang sarili ko sa panaginip na iyon pero sa tuwing iisipin ko mas lalo lang nagiging malabo at hindi magawang mapag tagpi tagpi ang mga pangyayari.

Natigil lamang ako ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

Bumukas iyon at nakita ko si Mommy na siyang may
dala dalang tray. "Kunusta na ang pakiramdam mo?" Bungad niya saakin.

Matapos ng outing namin mag babarkada, pag kauwing pagkauwi ko ng bahay hindi na umayos ang pakiramdam ko. Nilalagnat at nahihilo rin ako. Ito ang pangalawanh araw kong nakahiga lang sa kama dahil sa tuwing tumatayo ako, lumalabo ang paningin ko.

"Ganun parin, ma." Sagot ko. Nilapag niya ang dala niyang tray sa side table at naupo.

"Do you want me to call our doctor o gusto mong sa ospital kana mag pagaling?" Suwestyon niya.

Sa mga ganitong pagkakataon ko lang nakikita ang kabaliktarang pinapakita niya saakin araw araw. Iyon bang punong puno ng pag aalala, haplos ng isang ina,

Sa two days nadin na 'yon, nakita ko ang pag aaruga saakin ni Mommy. Siya mismo ang nagdadala ng pagkain ko rito sa kwarto pati narin ang pagaalalay niya saakin tuwing pupunta ako ng banyo. Hindi kami nag bangayan o wala akong narinig na sermon sakanya ng dalawang araw. Ang ginagawa niyang pag aaruga ngayon ay hindi bilang isang Doctor kundi isang Ina.

Nagpunta nalang kami ng ospital ni Mommy dahil ayoko ng mahiga lang sa kama at paulit ulit at gamit lang sa kwarto ko ang nakikita ko. Gusto ko makalabas at baka sa pagkakataong 'yon ay umayos kahit pa paano ang pakiramdam ko.

Sumama si Yaya Elen kahit na ayaw nito pero pinilit ko siya. Sa totoo lang naman, ayaw na ayaw ko talagang mag punta ng ospital pero dahil sa gusto ko lang makalabas, mas okay nadin na tiisin ko ito at mag papauwi nalang din ako mamayang gabi.

Pagkarating sa ospital, as expected, maraming tao ang bumabati kay Mommy. Mga nurse, doctors at ang mga pasyiente.

Check ups lang ang ginawa saakin at sinabi ng Doctor na kakailangan ko ng bed rest dahil sa over fatigue at walang sapat na tulog. Mabilis akong pina admit ni Mommy sa isang private room para matuunan ako ng pansin. 

Mas tumagal ang oras ko rito, mas naging simple ang nakikita ko Purong puting dingding, isang TV set, isang pinto papuntang banyo. Ang katabi ng kama kong sofa at coffee table. Lumabas pa si Yaya Elen kaya ako lang mag isa ang naiiwan dito.

Kinuha ko ang cellphone ko at kinalikot. Dala ng matinding kaburyuhan, nagchat ako sa group chat namin at sinabi ang ngyari saakin. Wala pa sa mga ito ang nakaka seen ng chat ko kaya't nag hintay lang ako ng ilang minuto at binuksan ulit ito. 

Halos makalimutan kong nang hihina ang katawan ko ng mapaupo ako sa kama, nanlalaki ang mata kong makita ang profile ni Kijan na siyang unang nag seen sa chat ko. 

Tinignan ko ang group chat na pinag sendan ko nakitang iyon ang kagagawa lang na group chat na kasama lahat noong nag swimming kami. 

Nagreply na sila Valie. Puno ng pag aalala ang nireply ng mga kaibigan ko na halos matabunan na ang unang chat ko. Sinabi nilang pupunta sila pagkatapos na pagkatapos ng mga klase nila. 

Last RoseWhere stories live. Discover now