Chapter seven

2K 29 0
                                    

JANUARY 2015

Narito ako sa studio ni Yiko at nagpapapatay ng oras sa pag hihintay kay Valie. Biglaan nalang kasi siyang nag ayang tumambay at nakasisiguro akong nagkaroon sila ng problema ng boyfriend niyang si Chuck.

Malamang sa malamang, third party na naman ang pinag awayan ng dalawa. Wala namang nag bago doon. No ending cycle.

Kasama ko dito ngayon si Les at Yiko habang naghihintay din sila kay Polo. Si Jaydy? He's busy with his girlfriend—Eunice. Nakikita ko ang mga post nila sa social media and, yes? They're really happy with each other.

It's been a week. One week na ang nakakalipas pero sobrang dami na agad nilang napuntahan. Na ang mga kinaaayawang gawin niya noon ay ngayo'y ginagawa niya na. Just like, posting romantic qoutes on social media tagging Eunice. Pick up lines, ugh this dude must be really inlove. Uso pa ba ngayon 'yon?

Si Kijan? Mas naging interesado ako sakanya. Matapos ng huli naming pagkikita, naglaho ito ng parang bula. Tila isang hangin lang na napadaan sa kwarto ko at ang hanapin ang pakiramdam na muli itong dumampi sa balat ko ay naging malayo sa katotohanan.

Iginugol ko ang mga nagdaang araw sa paunti unting pagbabasa ng mga artikulo patungkol sakanya at sa buhay niya. There was a time that I slept and my laptop's beside me. Still open, plastered with one of Kijan's article.

Iyon ang mga naunang araw na wala siyang paramdam saakin. Walang text, tawag at ang pag iisip kong unang mag text sakanya'y magpapatunay lang na totoo ngang may nararamdaman ako, higit sa sensasyon na binibigay namin sa isa't isa.

I'm not his priority and his girlfriend, anyway?

Kung wala akong nararamdaman sakanya, I would text him and ask to come here. Without hesitation. Like a fucking side dishes asking for his attention. 

Pero hindi ko 'yon ginawa. Takot akong malaman sa sarili kong tama ang hinala kong 'yon. That would hurt my ego.

His whereabouts remain silence for the past few days until a news lay across on my flatscreen television inside my room. Nadaanan ko rin ang mga news paper na tinitinda sa bangketa ng minsan akong bumili ng sigarilyo.

He's out for a business trip and now he's in Los Angeles. I know he's busy lalo na't CEO pala ito ng napaka laking mall sa bansa kung saan high end brands lang ang pinapayagang mag tinda roon. Mahigpit ang security ng mall na 'yon, hindi basta basta makakapasok dahil hindi din biro ang makikita mo sa loob. Para bang nagtatago ka ng ilang bilyon kasama ang mga gold bars sa doon.

Malakas ang pag bukas ng pintuan at bumungad saamin ang humahagulgol na si Valie habang nakahawak ang kamay ni Polo sakanyang balikat, inaalu ito.

Mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko at lumakad papalapit sakanila. Niyakap ko ito at agad din siyang tumugon doon. Walang tigil kong hinimas ang likod niya habang patuloy lang ang pag iyak niya.

Naupo muna kami sa isang couch at pinalibutan si Valie. Tinatanong namin siya kung anong problema while its very obvious that Chuck's the reason.

This is not the first time I saw her crying. Kahit naman anong advice pa ang sabihin namin sakanya at the end of the day desisyon parin niya ang masusunod.

Kaya nga siguro sakanya ko rin naramdaman ang takot mag mahal ng lubusan dahil ganito siya sobrang masaktan. Walang tigil ang pag iyak. Parang hindi nauubusan ng luha. Konti nalang at dugo na ang mailalabas niya. 

Last RoseWhere stories live. Discover now