Chapter forty nine

998 13 1
                                    

Madaling araw na ng makauwi ako sa bahay. Hinatid ko muna si Valie sa condo na tinitirhan niya at nag stay ng ilang oras. At nang makatulog siya dala ng pag iyak at pagod niya, umuwi narin ako at hinayaan na muna siyang mag pahinga.

Sa oras na 'to, kina-kailangan niya ng taong nandyan para sakanya at maiintindihan ang nararamdaman niya. Dahil sigurado ako na kapag hindi niya na natiis, baka bigla nalang siyang mag break down. Mas mabuti na may taong napaglalabasan siya ng sakit na tinatamasa niya ngayon para gumaan gaan din ang pakiramdam niya kahit pa-paano.

Pagkapasok ko ng kwarto, binuksan ko na kaagad ang ilaw. Di-diretsyo na sana ako sa kama ko para mahiga ng bigla nalang ako may naaninag na taong nakatayo sa pintuan ng balkonahe ko. Teka, ales tres na ng madaling araw! Tulog narin ang mga tao dito sa bahay kaya sino naman ang taong tatayo dyan sa balkonahe ko?


Dahan dahan akong tumingin sa gawi nun at halos mapa-atras nalang ako ng makita kong si Kijan ang taong nakatayo doon. Naka crossed arms pa ang mga kamay nito at halos mag salubong na ang mga kilay.

Hindi parin ako makahinga ng maluwag dahil sa nakikita kong galit sa mukha ni Kijan. "Hi, good morning." Nakangiting bati ko pero deep inside may kaba akong nararamdaman sa magiging sagot niya.

"Anong maganda sa umaga?" Oh shit. Hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya. Napababa nalang ako ng tingin sa sahig at naramdaman ko ang paglakad nito papasok ng kwarto. "It's already 3am. Nilibot niyo ba ang buong Manila para humanap ng Wedding Gown ni Shin?" Masungit pa nitong sabi.

Umiling ako at tumingin sakanya. "After kasi naming mag hanap ng Wedding Gown, nag coffee kami and then pinagusapan yung sa Bachelorette Party. Tapos nag stay muna ako kay Val dahil may naging problema." Explain ko sakanya.

"Then atleast update me. I-text mo man lang ako. Hindi yung sobra mo akong pinag aalala." Sagot niya at ibinaling sa iba ang tingin.

Nakalimutan ko na siya pala yung tipong boyfriend na kapag umalis ka, required na mag update ka. Ayaw na ayaw niyang nakakaligtaan mo 'yon dahil once na hindi ka nakapag update, iba na yung takot na nararamdaman niya.

You can call it pagiging obsess na lahat ng galaw mo eh, kailangan monitor niya. Pero kung si Kijan na yung pag sasabihan mo, magrereklamo ka pa ba?

But to be honest, hindi pagiging obsess ang tawag don. Hindi pananakal ang tawag don. Hindi naman siya yung taong, kailangan monitor lahat. Yung tipong mag text ka lang sakanya kung ano yung ginagawa mo or kung nasaan ka. Ayaw lang niya kasing mangyari yung ngyari noon. Nagagawa lang naman 'yon ng isang tao dahil ayaw niya ng mawala yung taong mahal niya. Yun yung gusto niyang patunayan saakin ngayon. Gusto niyang mag simula kami ng panibago. Kagaya lang ng ibang ordinaryong mag-kasintahan.

Dati kasi, wala kaming pakialaman sa ginagawa ng isa't isa o kung nasaan ka or sino ang kasama mo. Pero simula ng magkabalikan kami, nagbago ang lahat sa relasyon namin. Para bang kakakilala lang namin kahit na sobrang kilala na namin ang isa't isa. Sobrang dami na naming napagdaanan na kami mismo hindi inakalang sa pag lipas ng panahon, eh kami parin ang magkakatuluyan.



Pero tama nga sila, mapag laro ang tadhana.

Isa sa mga rason kung bakit ko piniling damayan si Valie kanina ay dahil gusto ko din mag labas sakanya ng hinanakit ko kahit na hindi niya alam ang dahilan ng paglabas ng luha ko. Ang daya daya lang kasi talaga! Hindi ko parin matanggap sa sarili ko na darating ang oras na muli kong iiwan si Kijan ng hindi niya malalaman ang totoong dahilan.

"Love," muli akong nabalik sa pag iisip ng tawagin niya ako. "Narinig mo ba yung sinabi ko?"

Napakamot naman ako sa ulo ko. "Basta ang importante naman nandito na ako. Sorry kung pinag alala kita. Hindi ko lang talaga makahawakan ang cellphone kanina dahil sa pagiging busy sa mga pinaplano namin. Pasensya kana.." Sabi ko at lumakad papalapit sakanya. "Hindi na mauulit." Dagdag ko ng makalapit.

Last RoseWhere stories live. Discover now