Chapter forty eight

922 23 4
                                    

"Wow.." Halos mapanganga kaming lahat na nandito ng makita namin si Shin na suot suot ang isang Wedding Gown pagbukas ng kurtina.

Wala kaming nasabi lahat at napatigil sa pagku-kwentuhan ng lumakad na si Shin papalapit saamin. Tinignan lang namin siya at ina-appreciate ang gandang hatid niya saamin habang nakasuot sakanya ang Wedding Gown na talaga namang bagay na bagay sakanya.

"Bagay ba 'to?" Tanong niya saamin habang kapit kapit ang magkabilang tela nito sa gilid.

"Kahit anong isukat mo, bagay na bagay sayo." Nakangiting sagot ni Eunice at lumapit kay Shin.

Parang mapupunit na ang labi ko sa lapad ng pagkakangiti ko habang nakatingin sakanya. Nakailang sukat na siya ng mga Wedding Gowns dito pero imbis na siya ang mahirapan sa pagpili, kami itong nahihirapan. Lahat nalang kasi bagay sakanya pero pare-parehas lang ang mga reaksyon namin dahil hindi parin talaga nawawala ang pagkagulat sa mga mukha namin kapag binubuksan ang kurtina at mag papakita siyang suot na naman ang isang Wedding Gown.

"Kanina pa kayo walang imik dyan, Val at Mikee?" Napailing ako at napatingin kay Shin ng sabihin niya 'yan. "Ang panget siguro, noh?" Dagdag niya pa at tumingin saamin na parang magsabi-kayo-ng-totoo-look.

"Naku, hindi!" Umiiling iling naming sabi ni Valie parehas at lumapit kay Shin.

"Sa sobrang ganda, wala na kaming masabi." Nakangiting sabi ko sakanya at iniharap siya sa napaka laking salamin para makita ang itsura niya.

"Mas maiinlove niyan si Polo sayo kapag nakita ka." Si Valie habang tinitignan si Shin ng may ngiti din sa labi. Lahat kami dito nila Eunice ay nagagalak sa nakikita namin ngayon kay Shin. Maganda naman na siya noon pa man ng makilala namin siya pero ngayon, ibang ganda ang nakikita namin sakanya.

Napangiti din si Shin habang nakatingin sa sarili niya at maya maya lang ay bigla na itong napapahid sa pisngi niya dahil sa pagluha ng mga mata niya. "Sobrang saya ko. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Iba pala talaga yung pakiramdam kapag nakikita mong suot suot mo na ang Wedding Gown habang nakaharap ka sa salamin." Natutuwang-naiiyak na sabi ni Shin habang tinitignan ng mabuti ang sarili niya sa salamin.

Kahit kaming tatlo nila Eunice at Valie na nandito ay hindi rin mapigilan ang maluha habang tinitignan siya. Ang sarap siguro talaga sa pakiramdam na makita ang sarili mong ikakasal na at lahat ng gusto mo sa kasala mo, masusunod. Yung tipong kayo mismo ng magiging asawa mo ang nag plano sa lahat. Iba yung sayang maidudulot nun sainyo kapag natupad ang lahat ng 'yon.

Napaisip tuloy ako kapag dumating din ako sa katayun ni Shin na haharap sa salamin habang suot suot ang Wedding Gown ko at kasama ang mga Bridesmaid ko. Lalong lalo na, kung si Kijan ang taong pakakasalan ko. Wala na akong hihilingin pa dahil sakanya palang, panalong panalo na.

Ang dami kong gustong gawin. Iniisip ko na yung magiging design para sa Wedding Gown ko, yung motif ng kasal.. Tapos, gusto ko sabay kaming mamimili ng Wedding Ring namin. Syaka dapat lagi kaming mag kasama kapag kakausapin namin ang Wedding Organizer namin. Para nasasabi namin ang mga gusto namin. Hindi naman ako humiling ng isang magarbong kasal. Basta, nandun yung mga taong mahal namin. Yung mga taong saksi sa pagmamahalan namin.

Lahat naman ng babae hinihiling na ikasal sa simbahan at sabay na manunumpa sa harap ng Diyos at sa harap ng maraming tao na magmamahalan kami hanggang sa huli. Yun lang ang gusto ko. Yun ang pinapangarap ko.

Ang dami ng pumapasok sa isip ko. Hindi na kasi ako nag aalinlangan pa sakanya dahil siguradong sigurado na ako na siya ang gusto kong makasama hanggang sa pag tanda. Maging isang mabuting Ama sa magiging Anak namin.

Last Roseजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें