Chapter forty one

847 20 2
                                    

Dahan dahan akong nag lakad papasok ng Simbahan habang diretsyo lang ang tingin sa altar. Hindi ko ginalaw ang mga mata ko para tignan kung sino ang naririto ngayon para ipagdiwang ang kasalang ito.Walang ngiti ang sumilay sa labi ko kahit pa patuloy ang pagkislap ng mga camera sa gilid at harapan ko. Naramdaman ko nalang ang pag tulo ng luha ko kasabay ng musikang rinig na rinig sa buong simbahan.

"She's so beautiful.." Narinig kong sabi nila sa masayang tono habang isa isa ko silang nadaraanan.


Bata palang ako pinangarap kong makasal sa Simbahan. Mag suot ng wedding gown na hila hila ko ang dulo nito. Habang nag lalakad ako sa pulang carpet papunta sa harap ng altar kung nasaan ang lalakeng mahal ko ng may ngiti sa labi.. At sabay kaming susumpa sa harap ng maraming tao at lalong lalo na, sa harap ng Diyos na mag mamahalan kami habang buhay.

Iyon ang pangarap ko.

Nasa Simbahan nga ako ngayon, sa araw ng kasal ko. Nakasuot ng wedding gown at hila hila ko ang dulo nito habang nag lalakad sa pulang carpet pero, hindi ako papunta sa lalakeng mahal ko. Sa taong gusto kong makasama habang buhay. Wala akong dala dalang ngiti sa labi habang dahan dahan na naglalakad papunta sa harap ng altar.

Hindi ito ang pinangarap ko.



"Family and Friends, we're gathered here today to witness and celebrate the union of Mikee Hauser and Duke Agustin in marriage. With love and commitment, they have decided to live their lives together as Husband and Wife." Anunsyo ng Pari.

"Bago pa man natin simulan ang kasalang ito maaari ko bang malaman kung mayroong tumututol o hindi suma sang-ayon sa pag iisang puso ni Mikee Hauser at Duke Agustin? Maari kang mag pakita ngayon o mamuhay nalang ng mapayapa." Lumingon lingon ako sa paligid ko ng sabihin iyon ng Pari.


Sa pagkakataong 'to, umaasa akong makita ng mga mata ko si Kijan at hawakan ang kamay ko papalabas ng Simbahan. Wala na akong pakialam kahit pa puno ng kahihiyan ang mangyari sa araw na 'to na pu-pwede ko din dalhin habang buhay. Kaysa mag pakasal ako ngayon sa lalakeng hindi ko pinangarap. Mas mabuting tiisin ko nalang ang pag papahirap na gagawin saakin ng Pamilya ko.

Please, Kijan. Please..


Ayan lang ang paulit ulit na sinasabi ng isip ko habang nakatingin sa paligid. Magkahawak ng mahigpit ang mga kamay ko at nag darasal na dumating si Kijan ngayon.

"Let's begin." Napabalik ako ng tingin sa Pari na nasa harapan namin ni Duke at binuksan niya na ang isang libro na nasa harapan niya.

Tumagal ng ilang minuto ang pahayag ng Pari pero walang pumasok ni isa sa utak ko. Buong magdamag akong hindi mapakali. Namamamawis narin ang mga kamay ko dahil sa kaba dahil pakiramdam kong wala na talaga itong atrasan pa.

Napatingin ako kay Duke na siyang kalmado lang na nakikinig sa sinasabi ng Pari sa harapan namin. Wala akong nakikitang kaba at takot sakanya. Hindi katulad ko. Satingin ko, gusto niya rin talaga ang mga ngyayari ngayon. Ilang beses ako nag makaawa sakanya at pina-realize sakanya na hindi ko gusto gawin ito pero hindi padin talaga siya umatras sa kasalang ito. Na para bang desididong desidido siyang gawin 'to.

Paano ang girlfriend niya? Paano si Mirae?

Ano ng mangyayari sakanilang dalawa?


Last RoseWhere stories live. Discover now