Chapter six

2.2K 24 0
                                    

JANUARY 2015

"Paano mo naman nasabi 'yon?" Naramdaman ko ang panginginig ng labi ko habang nagsasalita.

Pinasiklop ko ang mga daliri ko at madiin itong hinawakan ng isang malamig na hangin ang bumalot saakin. I'm still hoping that those humours isn't true.

"Kaibigan ng kaibigan ko, kilala si Kijan personally. Iba na daw ang galaw niya noon bago pa umalis ng Pilipinas. Kaya nga nagulat ako ng malaman kong ikaw ang kasama niya nung umuwi na kami galing sa Club." Pagpapatuloy niya.

Nadaanan ng mga mata ko ang hindi mapakaling si Valie. Para bang kating kati itong makausap ako na ako. Kaya matapos ng pag uusap, nag aya akong mag yosi sa labas kasama siya.

"Oh my gosh, Mikee! You've slept with a murderer!" She said hysterically.

I shooked my head. "No. Baka sinisiraan lang si Kijan." What's wrong with me?

"Are you out of your mind? Kaibigan na natin ang nag sabi! You should believe on what Polo said!"

Humithit ako sa sigarilyo ko bago magsalita. "Hindi galing sakanya ang balitang 'yon. Si Polo na mismo ang nag sabi na kilala siyang tao. Malamang ay sinisiraan lang siya ng mga 'yon." Dinig ko ang buntong hininga ni Valie.

"I know him. He wouldn't do that... At syaka nakita ko siya kung gaano niya kamahal ang girlfriend niya habang kinukwento niya." I can't believe that I'm still defending him infront of Valie.

"You don't know him, Mikee! Nakasama mo lang siya ng two or more days but that doesn't mean you know him very well! Malay mo pinapahulog ka lang niya! How can you prove that his intentions are pure?" 

"Let's not talk about it, Val." Naramdaman ko ang sakit ng ulo ko habang nakatingin sa kawalan.

Kung ano ano nalang ang pumapasok sa utak ko habang nag sasalita si Valie lalo na sa pag hihisterya niya. Hindi nalang ako sumasagot dahil hindi ko din naman alam ang isasagot ko sa mga pinapaulan niyang tanong saakin.

Pumasok na kami sa loob at naabutan ko silang nag kakantahan na. Natigil lang ulit sila ng kinuha ko na ang paper bags ko kasama nag shoulder bag ko.

"Uwi kana, Mikee?" Tanong saakin ni Les.

"It's late. Baka hanapin na ako ni Mommy." Pagsisinungaling ko.

Gusto ko lang talagang umuwi na dahil sumakit ang ulo ko sa mga narinig ko mula sa mga kaibigan ko.

Alam ko din namang hindi dapat ako maging apektado sa mga sinabi ni Polo dahil sobrang imposible lang kasi talaga. At sa tuwing naalala ko ang mga mata ni Kijan'ng umiiyak, hindi matigil ang utak ko sa pag iisip.

Hindi totoo...

Hindi magiging totoo...

"Is this about Kijan?" Yiko asked pero umiling lang ako pagkatapos kong ilagay na sa balikat ang shoulder bag ko.

"C'mon, Mikee!" Dagdag niya na para bang alam nilang tungkol talaga iyon sa kwento ni Polo tungkol kay Kijan.

"Hindi. Hinahanap lang talaga ako ni Mommy." Sabay harap ko sakanila ng phone ko at kasabay nito ang pag tunog niyon. Great, My Mom's calling!

Nag book na ako ng car at agad din dumating 'yon. Habang nasa biyahe pauwi, hindi ko mapigilan ng utak kong maglaro sa kung ano anong ideyang pumapasok sa isip ko. 

Walang paramdam si Kijan saakin the whole day. Tapos sinabayan pa ng kwento ni Polo. Alam ko naman na hindi ako dapat maniwala sa sabi sabi lang pero at the same time napapaisip ako na tama din si Valie. 

Last RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon