Chapter forty five

924 16 2
                                    

Napahawak ako sa ulo ko ng maramdaman ko ang pagkirot nito pati narin ang lamig ng kwarto na ngayong bumabalot sa buong katawan ko. Dinilat ko ang mga mata ko para kunin ang comforter at ibalot sa sarili ko pero natigilan nalang ang sarili kong walang kahit anong damit na suot suot.

Fuck! What did I do last night?!

Pinikit ko ang mga mata ko at pilit na inalala ang mga ngyari pero para nalang akong nablangko. Wala ni isang pangyayari ang pumapasok ngayon sa utak ko. Iginala ng mga mata ko ang kwartong 'to at doon ko nalaman na hindi ito ang kwarto namin nila Valie.

Unti unti kong ibinaling ang mga mata ko sa gilid ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at kahit malamig ngayon dito sa kwarto, pinagpapawisan ako. Dahan dahan kong hinawakan ang blanket na nagsisilbing takip sa buong katawan niya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Hindi mapakali at sobrang kabado..

Madiin kong pinikit ang mga mata ko at mabilis ng inalis ang blanket sakanya. Hinintay ko nalang na gumalaw siya o may sabihin siya pero wala akong narinig at naramdamang pag galaw niya. Idinilat ko na ang mga mata ko at halos mapasigaw ako ng makita si Dace ang katabi ko.

"AHHHHH!" Sigaw ko at napatayo mula sa pagkakaupo ko ng kama habang nakapulupot saakin ang comforter. "AHHHHH!" Muli akong napasigaw ng pagkalakas lakas ng makita kong half naked din siya.

Iritadong mukha lang ang pinakita niya saakin na para bang aburidong aburido sa sigaw ko. Syempre sino ba namang babaeng hindi magugulat na pag gising niya may katabi siyang lalake at parehas pa silang half naked. At ang pinaka worst, si Dace pa!

"Ano bang meron? Ang aga aga sigaw ka ng sigaw!" Aburidong sabi niya habang kumakamot kamot pa sa ulo niya.

Sasagot na sana ako sakanya ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto kaya napabaling kaming dalawa ni Dace doon at laking gulat ko nalang ng makita ko si Kijan na siyang nakatayo. Walang umimik ni isa saamin. Mula ulo hanggang paa niya akong tinitigan. Sa mga tingin ni Kijan na nakakapang tunaw habang hinihiling ko lamunin na ng lupa.


"Mali ang iniisip mo--" Mautal utal kong sabi. Inalis niya na ang tingin niya saakin at pinamulsa ang kamay mga niya.

"Hindi mo na kailangan mag paliwanag sakin." Ramdam ko ang malamig na tonong nang gagaling sakanya kahit pa hindi siya nakatingin saakin. Tumalikod na siya at tuluyang lumabas ng kwarto. Bakit parang gustong tumakbo ng mga paa ko papunta sakanya habang dahan dahan siyang tumatalikod paalis sa paningin ko.





Pero hindi ko ginawa..








Para akong naistatwa at hindi makagalaw.












VALIE


"Nasaan na kaya 'tong si Mikee?" Tanong ko sa sarili ko habang walang tigil na pinag pipindot ang cellphone ko para tawagan siya.

Kanina ko pa kasi siya tinatawagan pero hindi sumasagot itong gagang 'to. Kahit si Dace na kasama niyang umalis kagabi, eh hindi parin namin nakikita. Wala naman akong number nung Dace kasi hindi naman kami close at syaka ngayon ko palang siya nakilala. Duh, ang feeling close ko naman kung kukunin ko number niya for emergency purposes, diba?

"Good morning!" Napalingon ako sa likuran ko ng marinig ko ang nakakairitang boses ni Adlee. Hays, dahil sa babaeng 'to wala akong tulog! Pagkalikot likot kasi! Bumangon tuloy ako ng pagka aga aga at binalak nalang na makitulog sa kwarto nila Polo pero pag punta ko dun, hindi na ako makatulog tapos palakasan pa ng hilik yung mga animal na 'yon.

Ibinaling ko nalang ulit ang tingin ko sa view ng dagat. Mas okay pang dito nalang tumingin kaysa sa Adlee na 'to na walang ibang gawin kundi mag pabebe ng magpabebe kagabi. Imbyerna talaga me sakanya, noh!


Last RoseOù les histoires vivent. Découvrez maintenant