Chapter eleven

1.6K 21 0
                                    

Nagising ako sa ilang mabibigat na kalabit sa balikat ko. Napabalikwas ako sa swivel chair na kinauupuan ko. "Luxury!" Ayan ang unang lumabas sa bibig ko. Haay.. Paanong nakatulog ako sa kaligitnaan ng pagbabasa at pag iintindi ko sa mga 'to?

"Beks, uuna na kami sayo ah? Out na namin eh." Pagpapaalam ni Anj na siyang kumalabit saakin kanina. Out na nila? Tinignan ko ang wrist watch ko at halos mahulog ako sa kinauupuan ko ng makita kong past six pm na. Lagot ako nito kay Mr. Zhi!

Dali dali ko ng sinave ang nagawa kong power  point sa flash drive at mabilis na nagpunta sa office ni Mr. Zhi. Kumatok muna ako ng tatlong beses at sumagot naman ito. Pumasok na ako at naabutan ko siyang umiinom ng tsaa habang naka patong ang dalawang paa sa lamesa. Naka medyas pa!

"Late ka." Bungad niya saakin nang hindi ako tinitignan at tinataas baba ang kapitan ng tsaa niya.

Yumuko ako bilang paumanhin. Hay, unang araw palang ang dami ko ng maling nagagawa! "Pasensya na—" Nahinto ako sa pagsasalita ng bigla siyang tumayo at naglakad papunta sa direksyon ko habang hawak hawak ang tasa.

"Dito sa kompanyang ito, bawal ang kukupag kupad. Kung alas ain ang deadline mo, kailangan mong tapusin ng ala singko imedya o mas maaga pa." Madiing sabi niya habang iniikutan ako ng lakad. Siya itong nagsabing ala sais, eh. Nalate lang naman ako ng ilang minuto..

"Lahat may ginagampanan dito. Sa kompanyang 'to, isang pag kakamali mo lang, damay damay na ang lahat at dito ka matuto na lahat pantay pantay at walang especial especial dito! Nakukuha mo?" Bulyaw niya na halos mag pawala ng balanse ko sa lakas ng sigaw niya malapit sa tainga ko.

Naririnig ko naman! Bakit pa kailangan niya ako sigawan? Nakakainis! "Ilang minu—"

"Mapa isang minuto man yan o on time, kailangan ko ng mas maaga!"

Ang hirap hirap kaya intindihin ng mga nakalagay sa folder na ibinigay niya. Mayroon pang malalalim na salita kaya kailangan ko mag dictionary para doon at isa pa, bago palang ako pero kung tratuhin niya ako eh parang ang tagal tagal ko ng nananatili sa kompanyang 'to.

Nakayuko kong inabot ng dalawang kamay sakanya ang flash drive na hawak hawak ko. "Ito na po ang pinapagawa niyo saakin." Mahinang sabi ko. Hinablot niya iyon sa kamay ko ng parang pagalit pa. Umayos na ako ng tayo ko at nagulat nalang ako ng ibinato niya iyon sa kalapit na isang basong may lamang tubig. Shoot! "Bakit niyo naman po ginawa iyon?!" Hindi ko na mapigilan na mapataas din ng boses sakanya.

Nakakainis na siya! Pinaghirapan ko iyon at pinilit ko talagang intindihin ang bawat sentence na iyon. Napatakbo ako papunta doon sa basong nakalapag sa center table pero nahinto ako ng mag salita siya.

"Ang mga iyon ay matagal ng na-ipresinta. May utak at mata ka ba? Hindi mo nakita na taon 2015 pa ang proposal na iyon?" Nahinto ako at para bang nag loading pa sa utak ko ang mga sinabi niya. "Hindi ko alam kung bakit nila tinanggap ang isang katulad mo. Wala ka pang experience sa mga ganitong trabaho at nakita kong hindi ka din graduate ng college kaya pa-paanong naka pasok ang tulad mo sa malaking kompanya na ito?"

Minamaliit ba niya ako? Umayos ako ng tayo at matapang na nag pakawala ng hininga. "Teka, hindi naman—"

"Sasagot ka pa? Habang nandito ka sa kompanyang ito, patitinuin ko ang ugali mo!" Ha! Para namang ang sama sama ng ugali ko. "Osya, pagtimplahan mo ng kape ang mga mag o-overtime bago ka umuwi." Dagdag niya. Kelan pa ako naging taga timpla ng kape? Pinagti-tripan lang ako ng isang ito!

Last RoseWhere stories live. Discover now