Chapter nineteen

1.2K 15 8
                                    

Madilim at sobrang tahimik ng paligid.. Hindi ko makita ng maayos ang ngayong tinatakbuhan ko..

Kahit ni isang ilaw ay walang kang makikita at wala din kahit ni isang tao akong nakikita para matakbuhan at humingi ng tulong.

"Tumakbo ka lang at kapag napagod ka, ako naman ang hahabol sayo.." Isang nakakatakot na boses ang narinig kong sabi sa likuran ko at paulit ulit kong naririnig ang mga salitang iyon sa tainga ko.

Hinihingal na ako at hindi ko nadin alam kung saan ako dinadala ng mga paang 'to. Napayuko ako bigla ng marinig ang putok ng baril—






"Mikee!" Napabalikwas ako sa kama habang hinahabol ang pag hinga ko. Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Kijan na puno ng pag aalala habang nakatingin saakin.

Yakap na mahigpit lang ang naisagot ko sakanya. Hinahabol ko padin ang pag hinga ko at pilit na inaalis ang panaginip na 'yon mula sa isipan ko. Parang totoong totoo..

Naramdaman ko ang pag himas niya sa likod ko at paghalik nito sa ulo ko. Sa mga yakap na at halik na 'yon, nakahinga ako ng maluwag. Panaginip lang 'yon at hindi magiging totoo 'yon.

"You're safe with me." Bulong niya saakin. Tumango ako at ngumiti.

I slept over at Kijan's penthouse. Sabi niya, maaga siyang nagising para magluto ng breakfast para saaming dalawa. Kaya nung gigisingin niya na ako, nakita nalang niyang umiiyak at sumisigaw ako habang natutulog. Buti nalang at nandito siya ngayon sa tabi ko dahil ito na ang pangalawang beses na mapanaginipan ko ang pangyayaring 'yon.

Tumatakbo lang ako ng tumatakbo sa liblib na lugar. Wala ni isang tao akong nakikita para tulungan ako.

"Huwag mo ng isipin 'yon, okay? Hindi mangyayari 'yon." Nabalik ako sa wisyo ng hawakan ni Kijan ang kamay ko. Tumango naman ako at ngumiti sakanya. When I saw him smile, if feels like he's assuring me that everything is fine.

Sasagot na sana ako ng biglang kumulog ng malakas kaya napatingin kaming dalawa sa bintana. Kanina pang umaga hindi mag tigil ang ulan kaya hindi rin ako maka alis at si Kijan, hindi siya kumikilos para pumasok sa work niya.

"Where do you want to go?" Tanong niya saakin at niyakap ako mula sa likuran ko habang parehas naming tinitignan ang labas sa bintana. Ang sarap ng ganito..

"Wala kang work?" Umiling naman siya at hinalikan ang leeg ko. "Umuulan ngayon kaya delikadong lumabas." Sa totoo lang gusto kong manood sa sine ngayon. Katulad nalang ng mga ibang couples.

"You know what guys want when It's raining?" Napaatras naman ako at humarap sakanya ng sabihin niya 'yan. Tinignan ko siya na parang sinasabing what-are-you-talking-about-look.

"A cup of coffee?" Painosente kong sabi kahit na alam ko naman na talaga ang meaning ng sinabi niya kahit pa ang ngiting nakakaloko niya. Pervert talaga 'to!

Tinuro naman niya ang isang tasang kapeng nasa lamesa. "We already had that." Lalapit na sana siya ng bigla akong tumakbo papunta sa salas.

Malawak at malaki ang penthouse niya na 'to kaya malamang sa malamang ay hihingalin ka kapag nakipag habulan ka. Madami ding babasagin na bagay dito na paniguradong kahit buhay mo hindi enough para mabayaran ang mga 'yon. Ganun kasi kayaman ang boyfriend ko, chos! Tumingin naman siya saakin at ngumiti sabay tumakbo na papalapit saakin pero inunahan ko na siya at nag punta naman sa may mini bar.

Last RoseWhere stories live. Discover now