Chapter 6

221 13 2
                                    

Habang nasa kalesa ay hindi ko maiwasang mabalisa. Paano ba naman kasi, nakangiti itong babaeng nasa gilid ko! Tapos hindi ko alam kung bakit siya ngumingiti! Nakasarado ang kaniyang isip, kaya sinarado ko rin ang isip ko.


'Baka mamaya, dayain pa ako nito kapag nagbasahan kami ng isip, e!'


d----,--b





"B-Bakit ka ba nakangiti?" napatanong ako dahil sa irita. Ikaw ba naman, may kasama kang nakangiting wagi tapos hindi mo alam dahilan? Ano sa tingin mo?! SAGOT!?





'Napapraning na tuloy ako! Punyemas...' sa isip ko.



"W-Wala po," nanatiling nakangiti siya habang binabanggit ito. "Maswerte lang po ako na ako ang tinawag ni Prinsi--" napahinto siya saglit at nahihiyang lumingon. "Tinawag ni Prinsipeng Helldrion upang magsilbi sainyo," dagdag niya ito nang nakangiti na naman.




"P-Prinsipe?" nalilito kong tanong. "M-May prinsipe sa lugar na ito? P-Paanong? Pero bakit--"



"Nandito na po tayo," nakangiting sabi niya habang nakatanaw sa napakatayog at napakataas na building ngayon na nakikita namin.



Napalingon din ako roon. Para itong antigong napakalaking building. Kumbaga nasa tatlong building na pinagpatong-patong. Gano'n kalaki yung nasa harap namin ngayon. Kung kanina, sa malayo, e malaki na ito... Mas malaki pala sa malapit! Sobrang laki nito at kahit nasa kalesa ako ay para akong nahihilo kapag tinitignan 'yon.


"Tara na po, Pri--" naputol niya agad ang salita. "Tara na po, Binibining Hellzell," agad niyang dugtong.



Binalewala ko 'yon at bumaba ng kalesa. Tinitigan 'kong mabuti ang kapaligiran. Maraming puno at sariwa pa rin ang hangin. Ang sarap sa pakiramdam. Humahampas ang buhok ko pakaliwa dahil doon papunta ang hangin. Tumingala ako para makita ko ang kabuuan ng gusaling ito.



'Napakayaman naman ng lugar na ito.. Sariwa ang hangin, maraming puno, masagana ang pamumuhay dito...' saad ng isip ko.



"Halika at ihahatid ko po kayo bago magdilim," saad ni Aria at inalalayan ako papuntang glass door ng gusali.



"Pero, Aria, nang umalis ako sa aking pinagmulan ay umaga pa lang, paanong.. paanong nagdidilim na?" agad kong tanong nang mapansing dumidilim na nga.



Tumingin siya sa akin at tumitig saglit. Napabuntong hininga siya at ngumiti.

"Porque su mundo es diferente de nuestro mundo..." (Because their world is different from our world...) nag-iiwas ang tinging sabi niya.


"A-Ano? Pardon me, but I cannot understand Spanish..." mahinahong sambit ko.



"W-Wala po iyon," nakangiting sabi nito at naunang pumasok sa loob.


Nagkibit-balikat ako at sumunod nalang sakaniya. Ang gusaling ito ay gawa sa mamahaling silver. Puro clear glass at silver... Iyong iba naman ay parang black stone na hinaluan ng silver. Sa palagay ko, nilusaw pa ito para lang mahalo sa silver na ngayon ay sahig. Hindi mawala sa muhka ko ang pagkamangha dahil sa gawa na ito. Sa labas ay para itong antigong gusali lang, pero kapag napasok mo na ang loob ay para itong langit sa sobrang daming silver... Gray... White... Black... Para iyong pinaghalo-halo para mabuo lang ang mga kulay na nakikita ko. Sobrang ganda!



VAMPIRO HIGH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon