Chapter 13

162 8 1
                                    

THIRD PERSON'S POV

(Ito yung pangyayari sa lugar ni Jezebeth Succubus noong araw na nakita nila Elizabeth Hellzell at Grayson Knight si Zagan.)

Sa kabilang banda, naglalaro naman mag-isa ng billiards. Walang sablay ni-isa si Succubus. Sa isang madilim na kwarto at may nag-iisang ilaw sa tapat ng pinaglalaruan niya, iyon lang ang nagbibigay liwanag sakaniya. Napakagat siya ng labi at napahawak sa dibdib.

'Naramdaman 'ko ang tibok ng puso 'ko. May nangyaring hindi maganda sa kakambal 'ko.' sa isip ni Succubus.

Agad na umalis doon sa hall si Succubus para pumunta sa opisina niya na nasa underground ng building.

Ganoon ang kapangyarihan ni Succubus. Isang napakalawak at napakalaking building ang hawak niya. Isang libong katao o higit pa ang tauhan niya. Ngunit lahat ng iyon ay hindi niya kauri.


Lahat ng madadaanan niyang tauhan ay yumuyuko sakaniya, tila ba nagbibigay respeto sa nakatataas sakanila.


'Lumalakas ang tibok ng puso 'ko. Hindi maganda 'to.' nagdidilim ang paningin niyang sabi sa isip.


"Azazel Seth!" Malakas na hiyaw niya na ikinadagundong ng buong lugar. Nag-aalab ang kinatatayuan niya. Napalingon naman si Succubus sa tumatakbong lalaki na parating.

Si Azazel Seth.


"What happened?" Kalmado pa rin ngunit bakas ang pag-aalalang tanong ni Seth sakaniya.

"Tawagan mo ang kapatid mo..." Walang emosyon ngunit nag-aapoy pa rin ang kinatatayuan niya sa loob ng opisina. "Pati si Kianna..." Kalmadong sabi ni Succubus.

Agad na tumalikod si Seth at nagsimulang tumakbo. Napatulala lang si Succubus sakaniyang mga kamay.

'Wala kang ginagawa, Azazel Seth... Pero nagagawa mo akong mapakalma.'


Bigla namang napahinto at tila ba nagagalit na puso niya. Napahawak si Succubus doon. A-Anong nangyayari?


"ARGH!" Bigla siyang napasigaw ng sobrang lakas nang maramdaman niya ang pagkirot niyon. Parang unti-unti siyang binubuhay at pinapatay. Agad na nagkagulo ang mga tauhan at tila ba nagkalat na sa takot na baka may mangyaring masama.


Dumating si Kianna at agad na pumasok sa opisina ni Succubus. Napahinto lamang si Kianna sa nakita.

"Oh, my gosh..." Tanging nasambit niya. "J-Jezebeth S-Succubus!" Tawag ni Kianna sa kaibigan.

"Lumayo ka sakin!" Babala ni Succubus.

Nagliliyab na ang kapaligiran kung saan naroroon si Succubus. Ang mga mata niyang dark red ay naging kulay apoy. May mga itim na ugat na nasa leeg si Succubus na tila ba binubuhay siya at ang mga mata niyang nagliliyab.


"AHHHHHHHHHH!!!" Napasigaw nang sobrang lakas, dumagundong ang lugar ni Succubus. Ang buong building pati na rin ang underground ay dumadagundong.

VAMPIRO HIGH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon