Chapter 16

146 9 1
                                    

Love is not just about fighting. Love is also about letting go to make them happy.

***

HELLZELL'S POV




"MAHAL mo pa ba siya?" Tanong 'ko kay Knight. Hindi pa rin siya sumasagot.


Nakatingin lang siya sa langit. Nandito kami ngayon sa rooftop ng gusaling tinutuluyan 'ko. May rooftop pala ito, at hindi 'ko inakalang mas gaganda pa sa inaakala 'ko. Kitang kita ang mga bituin at kalangitan mula sa kinauupuan namin. Sobrang ganda sa paningin.


Napabuntong hininga siya at humiga, pinilig ang ulo sa kaniyang kaliwang braso. Sumunod naman ako sakaniya. Imbes na braso, bag 'ko ang nilagay ko bilang unan sa hihigaan ko. Pagkahiga 'ko roon ay agad akong mas namangha sa nakikita ko.


Tumingin naman ako sa katabi ko. Kalungkutan lamang ang nakikita ko sa mga mata niya, na tila ba unti-unti siya nitong dinudurog. Hindi niya maintindihan kung anong klaseng salita ang ipapaliwanag para makawala ang nararamdaman niyang sakit ngayon.



"Ang hirap pala..." Bigla niyang usal. Nakatitig lang ako sakaniya habang siya'y nanonood sa mga bituin. "Ang hirap palang malaman na wala na siyang nararamdaman sayo..." Nakangiti ngunit may pait niyang dagdag.



Doon 'ko napatunayan na may gusto ako sakaniya. Dahil... Dahil nasasaktan ako sa katotohanang mahal niya pa si Bella...



"Oo," nagtaka ako sa sinabi niya. "Oo, nakamove-on na siya. In fact, may iba na siyang gusto... Doon ako nasaktan nang husto... Dahil hindi ko akalain na magkakaganito ako, akala ko wala na.. Nandito pa rin pala siya," tinuro niya ang dibdib niya kung saan nalalapit ang puso niya. "Sana... Sana pala hindi ko nalang sinayang ang pagkakataon noon... Sana... Sana hindi  nalang ako nagloko," pumiyok siya at nabasag ang boses, napagtanto 'kong sa puntong ito ay lumuluha na siya.



Nasasaktan ako sa pagiging saksi ng pagtulo ng luha mo dahil sakaniya. Nasasaktan ako sa pagiging saksi na ang pagtulo ng luha mo ay kalungkutang hatid niya.



"Akala ko kasi... Akala ko okay na kami, nagbakasakali akong baka pwede pang maibalik yung dati," natatawa niyang pinunasan ang mga luha, sarkasmong damang dama ko dahil sa sinabi niya. "Akala 'ko rin siya na yung babaeng ipapakilala ko sa buong mundo na nag-iisang nakapagpabago ng pananaw ko. I admit it, isa akong napakalaking tarantado... That time, we were so young. We were best friends and I took that advantage... Yung pagiging close namin ang ginawa kong advantage para manligaw sakaniya, yet akala 'ko okay na... Hindi pala..." Panghihina at pagdaramdam ang tono ng boses niya, bagay na hindi ko pa kinasasanayan. Isang malungkot na Knight ang katabi ko ngayon.



"Ako na lang pala ang hindi pa nakakahakbang paakyat sa 'ming dalawa," dagdag niya at tuluyang umiyak.



Hindi ko alam kung paanong comfort ang gagawin ko. Una, hindi ako sanay na may nakikitang lalaking umiiyak. Pangalawa, wala akong kaibigan noon. Pangatlo, siya yung gusto 'kong umiiyak para sa kaibigan ko ngayon. Maling mali talaga ang nararamdaman ko.

VAMPIRO HIGH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon