END

237 10 4
                                    

Hi. Thank you for reading this short vampire-fantasy-fiction story. Sana basahin niyo rin ang mga iba ko pang stories! Just check on my works in my profile. Love lots. ♥

—AuthorJ

THIRD PERSON'S POV

AFTER THREE YEARS....

"TITA..." Umiiyak na naman si Hellzell habang nakatingin sa puntod ng tita Greta niya. "Isang taon na ang nakalilipas, masaya ka ba riyan? Miss na miss na kita."

Sa likod ng kaharian inilibing si Greta. Lagi kasing pinupuntahan iyon ni Hellzell, lagi niyang gustong nakakausap ang yumaong nag-alaga sa kaniya.

"May anak ka na't lahat... Iyakin ka pa rin." Malamig na tinig, nasisigurado niyang kay Succubus iyon.

Kasama ni Succubus si Knight. Dala-dala ni Knight ang anak nila ni Hellzell na si Greg. Tatlong taong gulang na si Greg Sangre Vladimir. Carbon copy ito ni Knight, kamuhkang kamuha niya ito at walang pinagkakaiba sa mga muhka nila. At isinunod ni Hellzell ang pangalan ni Greg sa tita niyang si Greta.

"Mommy!" Greg called Hellzell. "Mommy! Mommy! Mommy!" Agad itong nagpababa kay Knight at tumakbo palapit sa inang si Hellzell. Agad naman itong niyakap ni Hellzell nang lumapit ang anak.

"Dinalaw ko lang ang Lola Greta mo." She kissed her son's cheek and smiled at him. "She's the greatest Auntie in the world even if she's not blood-related to me." Aniya.

"Yes, mommy! Lola Greta is the best!" Magiliw at bibong sabi ni Greg na ikinatawa nila.

"Tara na. Tawag kayo ng Hari." Ani Succubus at naunang umalis doon.

"Oh, tara na, amor." Knight said and carried his son. "Baby Greg, magmamano ka sa Lolo't Lola mo, okay?" Pangaral sa anak.

"Yes, daddy! Yes! Yes! Let's go!" Natawa sina Hellzell at Knight sa kakulitan ng anak nilang si Greg.

Habang naglalakad pabalik ng palasyo, nakapalupot ang kaliwang braso ni Knight sa asawa habang karga karga niya sa kanang braso ang anak.

"Hellzell?"

"Hmmm?"

"I love you. Te amo, mi amor." Knight said, full of love and tender.

"I love you more, my Knight. You're my knight—shining armor." Hellzell said and smiled at him.

"Mas mahal kita."

"Mas mahal naman kita."

"Hindi, sabing mas mahal kita—"

"That's gross." Tinig ni Seth sa likod nila. "Pwede bang pakibilisan, ano? Kinakabahan ako magpropose." Dama nga nila ang kaba sa boses ni Seth.

"Sino ba kasing may sabing magpropose ka ng hindi pa kayo? Siraulo ka rin, e. Magpopropose ka sa kakambal ko tapos hindi mo naman siya naging girlfriend?!" Umikot ang mata ni Hellzell.

"Oo nga naman, bakit kasi ang bilis mo? Wala munang girlfriend-boyfriend stage?" Natatawang sabi ni Knight. "Hindi kayo tumulad samin, oh, sweet—"

"Pucha! That's gross!" Putol ni Seth at mabilis na pumapasok ng palasyo.

"Darating ngayon si Ravana," si Hellzell habang patungo silang sala. Binaba niya ang anak na panay na ang takbo. "Gusto niyang makita yung kasiyahan sa mata ni Succubus kapag nagpropose si Seth."

"Papunta na ba siya?" Tanong ni Knight.

Tumango si Hellzell. "Oo. Kasama na siguro ngayon ni Kianna 'yon, siya ang nakatokang sunduin si Ravana."

VAMPIRO HIGH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon