Chapter 9

190 11 22
                                    

DUMATING ang araw ng lunes. Pasukan na kaya naman todo effort ako sa pag-aayos ng gamit ko. Paulit-ulit ko pang chinecheck kung may nakalimutan ba akong gamit na kakailanganin. Pero may isa pa akong hindi pa napaghahandaan...


'Kung paano magpakilala...'


Flashback

"Oh, Hellzell, aren't you ready? It's 8 am na!" Giit ni Tita at kinakatok ang kwarto ko.

"I'm on my way there, Tita!" Sigaw ko.

Ayos na naman lahat ng gamit ko. But... I'm now on highschool stage! I'm fourth year highschool and I still don't know how to introduce myself.


Pagkababa ko ay nakita kong nag-aalmusal si Tita at ang asawa niya.


Yung asawa niyang sugarol at malapit na namang mabaon sa utang. Tss...

"Oh, hindi ka na ba kakain?" Tanong ni Tito. Umiling ako.

"Oh, siya... Manong, pakihatid nang maayos itong si Hellzell!" Malakas na sigaw ni Tita sa driver naming nasa labas, naghihintay sakin.

Tumango ako sakaniya at humalik sa pisngi. "Bye, Tita."

"Enjoy your first day, hija..."

Umalis kami ni Manong. Hanggang ngayon ay kinakabahan ako. Kesehodang may mask ako! Kabado pa rin ako. At oo, naka-mask pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit pinaggaganito ako ni Tita... Wala namang problema sa muhka ko?

Dumating kami sa school. Sa Marine Academy.

Kinakabahan man... Naka-shades pa rin akong bumaba sa kotse at pumasok. Maraming nagtataka sa suot ko. Hindi naman ganoon kalamig kasi pero naka-hoodie ako, naka-shades at naka-mask. Sabagay, sino nga bang hindi magtataka sa hitsura ko?

VAMPIRO HIGH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon