Chapter 26

138 10 0
                                    

PS. Baka puro Third Person's POV nalang ang gagamitin ko. :>

-AuthorJ

--

THIRD PERSON'S POV



MAAGANG nagising si Hellzell. Naging masarap ang pagtulog niya sa silid ni Hazell, na ngayo'y pag-aari na niya.


Nang lumabas sa kwarto, nakasalubong niya si Succubus. Magkatapat lang sila ng kwarto ng kakambal niya.


"Hey, good morning." Bati ni Hellzell sa kakambal ngunit tinanguan lang siya nito.



Ba't kaya ang lamig niya? Gusto niya sanang itanong kaso parang personal na bagay iyon kaya minabuting manahimik nalang.



Habang pababa ng hagdan para kumain ng agahan. Narinig naman nila ang sigawan sa loob ng silid ng Hari at Reyna. Malayo iyon, pero dinig na dinig pa rin nila.



"Sinabi ko naman sayong huwag na huwag mo siyang patutulugin sa kaharian ko!" Nangangalit na sigaw ng Hari. Napahinto kami pareho ni Succubus. Napalingon ako sakaniya at maski anong emosyon, wala sakaniya.

"She's my sister! So you can't do anything about it! Hindi mo ba iyon maintindihan, ama?! Hindi mabubuhay si Hellzell kung wala si Succubus! They are my sisters!" Boses iyon ni Helldrion.


"Tama na!" Awat sa kanila ng Reyna.



Nanlalaki ang mga matang tumingin si Hellzell kay Succubus. T-Totoo ba ang sinasabi ni Helldrion?


Muhkang nabasa iyon ni Succubus nang magtama ang mga mata nila.



Yeah. Ani ni Succubus sa isip niya na agad ding nabasa ni Hellzell. Napamaang ito. They can communicate with each other by just looking to each other's eyes.


"K-Kapatid natin si Helldrion? P-Paano? Ang ibig sabihin non..." Anak ako ng Hari? Hindi maituloy ni Hellzell ang mga salitang iyon dahil nangangamba siyang nananaginip o baka naman niloloko lang siya nito.


"You're a Princess of this palace, Hellzell." Sa malamig na boses sinabi iyon ni Succubus.


"But you're my twin sister, so you're a Princess..." Hindi pa rin makapaniwalang tugon ni Hellzell.


"You're a Princess. I'm not. Mahabang istorya iyon kaya huwag mo na munang itanong kung bakit. Aalis ako. Huwag mo na ring itanong kung saan ako pupunta dahil hindi ko sasagutin ang tanong mo." Mahabang salita nito at naging... shadow. Isa siyang aninong mabilis na tumatakbo.




Grabe. Kakaiba talaga ang kakambal ko.


***

MALAKAS na buntong hininga ang ginawa ni Succubus nang puntahan ang pinaglibingan niya ng black notebook at ballpen.


"This is just a piece of shit." Mura niya at napasuntok sa lupa. "Damn it!" Mas pinag-igihan niya pa ang pagbaon nito sa lupa.


VAMPIRO HIGH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon