Chapter 17

150 9 0
                                    

Reveal


****

THIRD PERSON'S POV

"BAKIT hindi mo sinabi sa akin agad? Kung hindi ko pa tatanungin kay Aria, hindi ko pa malalamang nandito siya!" Bulyaw ng Haring Hachimitsu o mas kilala bilang Haring Jerd (Hachimitsu Jerd Sangre).

Sa henerasyong ito, si Haring Hachimitsu Jerd ang pinakatanyag na lalaking kilala sa ciudad ng Vampiro High. Ang ina nito ay isang Japanese at ang ama nito ay isang Spanish.

Walang emosyong tumingin si Helldrion kay Aria na nakayuko lamang sa gilid.

"L-Lo siento mucho, P-Príncipe Helldrion..." (I am very sorry, Prince Helldrion...)  Nababasag ang boses na sinabi ni Aria habang nakayuko pa rin.

Napabuntong hininga si Helldrion at tumingin muli sa Hari.

"Hindi ko alam kung papaanong paliwanag ang sasabihin ko sainyo," panimula ni Helldrion sa kaniyang ama. "Noong mga bata palang ang mga kapatid ko ay nawala sila na para bang mga bula..." Nasasaktan siyang tumingin sa Hari na nag-iiwas ng tingin. "Alam kong alam niyo iyon," mariing dagdag ni Helldrion.

"H-Helldrion, anak," tawag ng Reyna'ng si Monika, nanggaling siya sa isang maharlikang espanyol na pamilya. "Q-Qué quieres decir, mi hijo?" (W-What do you mean, my son?) Nalilitong nagpalit ng tingin si Monika sa dalawang kaharap na sina Jerd at Helldrion.

"Queen," nakangising tawag ni Helldrion sa ina. "Naroroon ako noon. Kung saan niyo pinanganak ang kambal na kapatid ko."

"H-Helldrion! Itigil mo 'yan!" Saway ng Hari sa kaniyang anak.

"Let him!" Galit na sigaw ng Reyna sa Hari at bumaling sa tagapag-lingkod na si Aria. "Aria, maaari bang lumabas ka muna?"

Tumango si Aria at nagtungo sa gintong pinto kung saan naroroon ang lagusan ng ikinaroroonan nila Helldrion ngayon. Isa itong napakalaking gusali na tinatawag na "palasyo", dito naninirahan ang maharlikang pamilya na naghahari sa buong ciudad. 

"Bata pa lamang ako noon pero alam ko at malinaw sa akin ang ginawa ng aking ama sa kambal..." Mahinahong panimula ni Helldrion nang makaalis si Aria.

Tuluyang napapikit ang Hari noong maalala niya ang ginawa niya.

Flashback

"A-Ama! A-Ama! Ang aking ina ay manganganak na!" Patuloy na sigaw ni Helldrion.

Agad namang tumawag si Jerd ng tagapaggamot at tagapagpaanak. Nakasunod lamang si Helldrion sa kaniyang ama.

Oras ng panganganak ni Monika, naroroon lamang si Jerd at nakahawak sa kaniyang asawa. Habang ang anak naman na si Helldrion ay nasa gilid lamang.

"Aaah!" Malakas na pag-iri ang namahala sa silid na 'yon. "Aaah!" Pagkatapos non ay isang iyak ng babaeng sanggol ang narinig.

"H-Hazell..." Naluluhang tumingin si Monika sa isinilang. Iyon ang gustong ipangalan nina Monika at Jerd sa kanilang magiging anak, dahil iyon ang ibinilin ng Hari na sa paglipas ng isang daang taon, ang unang babaeng isisilang mula sa maharlikang pamilya ay isusunod sa pangalan ni Hazell.

Bigla namang nag-iba ang pakiramdam ni Jerd. Napatingin siya sa bintana at doon nakita niya ang demonyong matagal ng may pagnanasa sa kaniyang asawa.

VAMPIRO HIGH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon