Chapter 8

204 12 1
                                    

"WHO ARE YOU?" Bulaslas ko sa taong nanghila sa akin.


"Shhh..." naamoy ko ang hininga niya.


'Shit-- muhkang gwapo ito! Ang bago pa ng hininga! OMG! Kung nananaginip ako, paki-sampal ako ng tatlo!' nakasarado ang isip ko habang iniisip ito.

Mahirap na! Malay niyo, nakakabasa rin itong isang ito ng isip, 'di ba? Tapos maisahan ako. Nice one, Hell! You're such a brilliant girl! Kaya ang swerte ko dahil ang tali-talino ko--


"Nasan na yung babaeng yun?!" biglang may sumigaw. Lalo akong hinila nitong lalaki para magtago.


"Bastardo! Where do you think?! Bibig ang pinanghahanap? Tanga! Mata gamitin mo!" Bulaslas ng isa pang lalaki. Malalaki ang boses nila, may hinahanap silang babae.


"Makinig ka lang, you'll know why I pulled you..." mahinahon at malamig na sinabi ng lalaking nakalapit sa akin ngayon.


Tumitibok ang puso ko ng sobrang bilis na parang ngayon lang ito tumibok. Ewan ko ba, dahil kapag iba ang kaharap ko pakiramdam ko patay ako. Malamig. Pero nang siya ang nakaharap ko, bigla akong nabuhayan, tumibok ang puso ko... Napakalapit namin sa isa't isa. Iisang inch nalang ang layo ng muhka namin sa isa't isa.

Parang aparador ang pinagtaguan namin, may isa awang pa ito ngunit maliit lang. Nakasilip doon itong lalaki at ako naman, nakatitig lamang sakaniya.


"Where the hell is that Hell?!" Naiinis na bulaslas ng lalaki sa labas, ikinalaki iyon ng mata ko at nagugulat akong tumingin sa awang na parang pinto.

Tatlong lalaki. Ito yung mga lalaking pumasok noon sa kwarto ko. Sila yun! Hindi ako pwedeng magkamali! Bakit nila ako hinahanap? At paanong.. paanong nalaman nila ang pangalan ko? Anong kailangan nila sakin?


"T-They are hunting me, that's why you pulled me..." pabulong na giit ko at nakatulalang nakatingin sa gilid ko.


"Exactly..." giit ng lalaki at lumingon sa akin ng malamig. "Because you're Elizabeth Hellzell."

"H-How did you know my name?" Naguguluhang tanong ko sakaniya.

Napangisi siya at hinagod ang buhok. Ang mga mata niyang pula, ang pilikmatang kayhaba, ang ilong na matangos at labing mapupula... He's so perfect...


"Because I'm Knight."


"K-Knight? What?" Naguguluhang sambit ko, unti-unting naiinis sa lalaking ito.


"Grayson Knight Vladimir." Pagpapakilala niya sakaniyang sarili.

"I am--"

"Elizabeth Hellzell Blaine," putol niya sa akin nang sasabihin ko na ang pangalan ko.

"Aba't kung hindi ka ba naman bastos, 'no?!" Biglang nag-init ulo ko.

"Oh, teka lang! Nag-iinit na agad ulo mo!" Humagalpak siya ng tawa at bahagyang lumayo saka napahawak sa tiyan niya.

"Bakit ka tumatawa?!" Nakapamewang na saad ko sakaniya habang nakataas ang aking kilay.

"Para ka kasing sasabog! Hahahahahahaha! Sa ano! Hahahahahaha! Ang bilis mo pang... hahahahahahaha magalit!"

VAMPIRO HIGH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon