Chapter 21

130 12 1
                                    

HELLZELL'S POV

"Good morning, Eli!!!!!!!!!"

"Arf! Arf!" Napatayo sa gulat ang alaga kong aso dahil sa malakas na sigaw ko.

"Hahahahahahaha!" Natawa ako sa pagiging magugulatin niya. Sarap pala sa feeling ng nanggugulat... Kaso ako lagi yung napagtitripan nila Bella at Lovette. -.- pati pala si.. Knight. Kamusta na kaya sila?

"Kamusta na kaya sila Knight?" Napatanong ako habang hinihimas ang ulo ni Eli. "By the way, lilipat na tayo sa palasyo! Gusto mo ba yun, ha?" Na-e-excite kong tanong habang niyayakap na si Eli.

Isang oras akong naghanda para sa paglipat namin. Napapaisip ako sa mga subjects na nakaligtaan ko. Sabi naman kasi ni Ma'am Kianna, siya na ang bahala roon... Pero siyempre, hindi ko rin maiwasang mag-isip tungkol doon.

Shoulder bag at maleta. Iyon din ang dala ko tulad noong unang pasok ko rito. Grabe... Parang dati wala pa akong kaibigan dito.

*briizzkk!*

One text message received.

From: Bella

Uy! Balita ko, sa palasyo ka na raw titira? Yipeeee! Lagi nga akong dadalaw! Charot. Ingat! :>

Natatawa ako habang nagtitipa ng irereply ko.

Ako:

Baliw! Haha. Oo ngayon ako lilipat. Ingat ka rin.

Napailing nalang ako. Nagsimula na akong maglakad habang nasa gilid ko si Eli.

*briizzzk!* *brriiizzkk!*

Two text messages received.

From Lovette:

Pa'no ba 'yan? Ngayon na lipat mo! Lagi kaming dadalaw ni Bella para libre sa pagkain. Hindi naman siguro kami haharangin ng kawal ng Hari't Reyna? Mwehehehehe.

VAMPIRO HIGH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon