Chapter 11

184 10 2
                                    

Elizabeth Hellzell Blaine on multimedia! =>

~AuthorJeydi

***

BUONG MAGHAPON akong pinagtripan ng Vladimir na 'yon. Sobrang gusto ko na nga siyang sakalin!

"Bakit gano'n?" Bigla niyang sabi. Kumunot naman ang noo ko.

"Ano?"

"Napaka..." Pambibitin niya pa. "Napaka.... GWAPO 'KO!" Bigla niyang sigaw, proud na proud!

Nandito kami ngayon sa field. Tapos na ang klase namin pareho. So I found out na kaklase 'ko siya sa lahat ng subjects and I almost die because of that. Biruin mo? Grayson Knight Vladimir ang hinayupak na makakasama 'ko sa lahat ng subjects? Mapapamura ka nalang ng pakshit malutong, e.

"Pwede bang tigilan mo ako sa kahanginan mo!" Iritableng sigaw ko.

"Hangin pa ba 'to? Hahahahahaha! Bagyo ng kagwapuhan 'to, uy!" Nakahawak pa siya sa tiyan niya habang tumatawa.

Ang gwapo niya sana habang tunatawa, pumangit lang nung nagsalita na siya! Sobraaaaaaang napakahangin niya! Hindi ko nga alam kung bakit ako pumapayag na makasama 'tong bwisit na 'to! Mula umaga hanggang ngayon, hindi pa nakukuntento sa paninira ng araw 'ko!

Napairap ako. At bigla namang tumunog ang cellphone 'ko. Oo, cellphone! Ang sosyal nga ng Escuela na 'to! May libreng pa-cellphone!

'Oha! Hahahahahaha!' Halakhak 'ko sa isip.

One text message received!

From: Bella

Uy, Hellzell! Where are you now? It's so bored here in condo!

Si Bella, nakilala 'ko lang siya sa pet store kahapon. She looks so nice, anyways kaya hindi ako nagdoubt noong hingin niya ang number ko, gusto niya raw kasing magkaroon ng ka-hang-out. Seems she's just lonely like me.

Like me.

"Uy, sino 'yan?" Biglang kalabit sa akin ni Knight.

"Anong pake mo?" Nakabusangot na sabi 'ko.

"Chicks ba 'yan?" Parang kumikinang pa ang mga matang sinabi niya 'yon.

"Oo, ako ang manok! Gusto mo tukain kita nang umalis ka?" Nabu-bwisit na pambabara ko sakaniya.

Pero hindi siya nabara. Ngumiti pa siya nang nakakaloko!

'Pucha! Iba na naman ang nasa isip ng loko!' napapikit na sabi ko sa isip.

"Jerk! It's not what you think!" Sigaw ko at pinaghahampas siya.

"Aw! Ouch! Ah! Aray 'ko! Hoy!" Nasasaktan siya sa bawat hampas ko kasi sa bawat hampas ko, may kasamang force!

Oo! Force! Force na force ang kamay ko dahil sa marumi niyang utak, bwisit siya!

"Oo na! Sorry na! Tama na! Hahahahahahahahahahaha!" Humahalakhak pa siya!

VAMPIRO HIGH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon