Chapter 29

150 7 0
                                    

THIRD PERSON'S POV


"MULA ngayon, dapat matuto ka ng humawak ng espada." Ani Succubus na may hawak ng espada. "At dapat alam mo sa sarili mo kung paano mo mailalabas 'yong dragon na nakatago sa espadang hawak mo."

"I-Ito?" Confusion filled Hellzell's eyes. "May dragong nakatago rito?" She asked her twin.

"Yeah." Tango ni Succubus.

Isang linggo ang lumipas, simula noong nangyari iyon ay mas tinapangan ni Hellzell ang loob. Hindi lang para sa sarili niya kundi para sa lahat ng nasa paligid niya. Matagal-tagal na rin siya sa VAMPIRO HIGH, napapamahal siya rito sa bawat araw na lumilipas. Mas lalo siyang namamangha at natatakot sa mga nangyayari. Namamangha siya dahil simula nang pasukin niya ang ciudad na ito, tumapang siya at nalaman ang mga katotohanan. Isa na roon ang katotohanang... prinsesa siya.

"Paano naman 'yon?" Kunot noong tanong ni Hellzell habang nakatingin sa umiinom ng tubig na si Succubus.

Sa isang linggo na pag-e-ensayo, one on one sila ng kakambal niya. Walang ibang nagtuturo sa kaniya kundi ang kakambal niya. Lahat ng tao sa palasyo ay may kanya-kanyang aksyong ginagawa. Lalo pa't nasa panganib si Seth, ang mahal ni Succubus.

"It's for you to find out. By your own. By yourself." Tanging sagot ng kakambal niya at nangunang lumabas pagkatapos bitawan ang espada.

Hellzell shrugged. Binitawan niya muna ang espada at tinitigan. Paano ko mapapalabas ang dragon? Damn it. I need to find it out, really, really soon.

Lumabas siya at nang makasalubong si Aria, agad niya itong tinanong. "Kamusta na si Knight?" Nag-aalala niyang tanong.

"Okay na ho siya. Pero kailangan ng katawan niya ng pahinga, matindi ang lason ni Zaemon..." Sagot ni Aria. "Sige, mauuna muna ho ako. Pinapatawag ako ni-"


"Ni Helldrion?" Nangingiting aso siya, nang-aasar. "Okay." Pumula ang pisngi ni Aria at nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi siya makapaniwalang sa gitna ng ganitong sitwasyon, kaya niya pang ngumisi na parang aso. Pero mas lalong hindi siya makapaniwalang sa gitna ng ganitong sitwasyon, kalmado ang lahat na para bang kaya nilang malampasan ito.

Pumasok siya sa kwarto ni Knight. Taimtim niyang tinitigan ang binata. Namumutla pa rin ito at nanghihina. Kung may lason si Zaemon... Siguradong hindi talaga ayos si Seth sa poder niya. Damn it!

"H-Hey..." Napatitig siya kay Knight na nagsalita. "What's on your head, amor?" A-Amor? It means... love?

Her heart is jumping and celebrating. Sa sandaling iyon, parang nakalimutan niya ang problema. I really love this guy, oh, God.

"Kamusta ka na?" Nag-aalalang tanong ni Hellzell. "Isang linggo ka ng nakahiga rito..."

"Nangangalay na nga ang likod ko. Pero kailangan kong magpalakas para makuha natin ang kakambal ko." He loves his twin... Nanubig ang mga mata ni Knight. "My mother and father were more than willing just to protect Hazell, they were not able to protect the Princess so they passed their mission to us. At hinding hindi ako magsasawang maglingkod para sayo." His eyes were the sincerest eyes she has seen.

VAMPIRO HIGH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon