Chapter 14

159 11 2
                                    

Nandito ako ngayon sa klase 'ko. Training class, nagsimula itong klase nito ngayon lang.

At hindi 'ko alam ang mararamdaman 'ko noong nalaman 'kong si Helldrion ang magtuturo sa amin nito... Pati si Ma'am Kianna...

Sinarado 'ko ang isip ko.

Ngayon, nasa harap namin sila. Hindi 'ko alam kung paano magrereact. Bukod sa kinakabahan, hindi 'ko alam kung paano ako magsisimula magsalita. Para naman kasing nakakahiya, hindi naman nila ako ganoon kakilala.

"So... Helldrion and I will tell you something. I know na hindi na kayo bago sa pag-te-training but still, you need to learn new things..." Nakangiting panimula ni Ma'am Kianna. "Specially... Malapit na raw magkaroon ng labanan..." Dagdag niya at tumingin sa akin nang diretso!

Napalunok ako. Hindi 'ko matagalan ang titig niya kaya naman umiwas ako ng tingin pero saktong tumama iyon kay Helldrion! Mas lalo akong napalunok nang makitang pati siya ay nakatingin sa akin.

A-Anong mayroon? Bakit sila ganiyan makatingin?

"Ma'am! Ano po bang klaseng labanan iyon?" Tanong ng isa naming kaklase.

"Our Princess is back... And we really need to protect her," nakatingin sa akin si Helldrion nang sabihin niya iyon. Napansin 'yon ng mga estudyante kaya tumingin ito sa akin.

"Bakit nakatingin ang Prinsipe sa kaniya?!"

"Hindi 'ko alam! Ano bang mayroon sa babaeng 'yan!"

"Huwag kang maingay, baka marinig niya tayo!"

"Wala akong pakialam!"

"You." Biglang bumaling si Helldrion sa isang babae. Yun yung naririnig 'kong maraming sinasabi sa gilid. "And also you." Bumaling ulit sa isa si Helldrion. "Get out." Malamig na giit nito.

"W-What?!" Napabulaslas ang dalawang babae.

"Why us? Bakit hindi 'yang haliparot na lumalandi sayo, mahal naming prinsipe?" Nakataas pa ang kilay nitong tinuro ako.

Ako? Nilalandi si Helldrion? TANGA BA SIYA?

"Just get out, ang dami mo pang sinasabi," malamig na tugon ni Helldrion. "Get out or I'll drop the both of you out of this world."

"Helldrion-- I mean, Prinsipe, manatili po tayong kalmado..." Tanging giit ni Ma'am Kianna.

Bakit niya tinawag na Helldrion lang si Helldrion? Siraulo ba siya? Pero sabagay, baka close sila... Praning mo naman, Hellzell! Para kang tae! -,-

"No te atrevas a meterse con ella..." (Don't you dare mess with her...) Malamig na tugon at saka bumaling sa akin. Napalunok ako bigla. "Get out!" Hindi na niya napigilang sumigaw.

Pero nagtaka ako sa sarili 'ko. Nakapagsalita ako noong nakaraang araw ng Spanish language, 'di ba? Pero bakit hindi 'ko ngayon maintindihan ang sinasabi ni Helldrion?

What the hell is happening to me? Abnormal na yata talaga ako! I guess, Helldrion's right!

VAMPIRO HIGH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon