Chapter 19

154 6 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Alteza..." (Highness...) Napalingon sa pintuan si Succubus. Naroroon at kumakatok ang kaniyang tauhan.

"Adelante..." (Come in...) Malamig na tugon ni Succubus at lumagok ng red wine na ginawa pinaghalong dugo at alak.

Pumasok ang kaniyang tauhan at lumapit sa lamesa ni Succubus. Nakatayo siya sa may bintana habang nakatingin sa nilapag ng kaniyang tauhan sa lamesa.

"Kanino galing ang envelope na 'yan?" Malamig na tanong ni Succubus. "Hindi ba tinignan ni Azazel Seth iyan?" Dagdag niya pa.

"Sainyo ko raw ideretso ang envelope na 'yan, Alteza..." Nananatiling nakayuko ang kaniyang alagad. "Galing West 'yan," dagdag nito.

"Tawagin mo si Azazel Seth at papuntahin dito, makakaalis ka na." Tumango ang kaniyang alagad at umalis sa opisina niya.

Napatunghay si Succubus nang lumapit siya sa lamesa at naamoy niya ang envelope. Naging alerto ang pang-amoy at pangagat niya, lumabas ang kaniyang mahahabang pangil at ugat sa leeg. Binuksan niya ang envelope at nakita ang nalalaman nito.

Isang letter na ang tintang ginamit ay dugo.

"Jezebeth Succubus," biglang natigil sa pagkilatis si Succubus nang pumasok si Azazel Seth. "Anong problema?" Tanong niya nang walang emosyon.

"Galing sa West ang envelope na ito," malamig na tugon ni Succubus.

"Pero hindi ba't tapos na ang tunggalian ng West sa ibang kapuluan?" Nanlalaki ang mga matang sinabi ni Seth.

"Matagal ko ng pinatay ang naging hari ng West noon," nanliliit at nanlilisik ang mga mata ni Succubus. "Imposibleng magpadala sila ng badya!" Hasik niya.

Lumapit si Seth at kinuha ang envelope. Binasa niya iyon. Agad siyang kinutuban nang mabasa iyon.

South vampires, East wolves and of course... North demons, our long time enemy. You, all, will be killed.

Especially you, Jezebeth Succubus Sangre.

From your sweetest West, the most dangerous you've encountered.

"Are you threatened?" Nag-aalangang tanong ni Seth habang tinitignan ang envelope.

"I'm not." Diretsong sagot ni Succubus. "What do they want?" Nagugumilahanang tanong niya pa.

"You killed their king, right? I think this is for revenge. You know them," ani ni Seth. "They're the most threatening demons..." Dagdag niya.

"Nasisigurado 'kong hindi lang ako ang gusto nilang patayin... Kasi kung ako lang, dapat North lang, bakit niya idadamay ang South? Mas lalo na ang East..." Nag-iisip at nangangalit na nagtiim-bagang si Succubus.

"They should be warned," tugon ni Seth at nagbuntong hininga siya. "I'll send them warning signs..."

"Sa East ka lang magpadala, sa South, send them that we'll arrive soon..." Malumanay na sagot ni Succubus.

VAMPIRO HIGH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon