KABANATA-DALAWA

11K 197 6
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~
KABANATA DALAWA
~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa muka ko. Napatingin ako sa palagid ng mapagtanto kong sa labas pala ako natulog kagabi. Hindi manlang ako pinasok ng asawa ko sa loob ngunit anong magagawa ko? Hindi ko siya kontrolado na para pagsabihan ko kung ano ang dapat niyang gawin. Tumayo na ako at pumasok sa loob. Wala akong naabutan sa loob kundi ang tahimik na bahay lamang ang sumalubong sakin. Aasa paba ako kung alam ko sa sarili ko na wala talaga dapat iasa? Sabagay, kailan ba ako tumigil na umasa? Ang buhay ko ay puno ng pag-asa, laging umaasa kahit na wala naman talagang aasahan.

Nagsimula na akong maglinis ng bahay. Hindi sanay si Ry na magulo o makalat ang bahay. Iginala ko ang paningin ko sa bahay na ito. Ang bahay na ito ang nakakakita kung papaano ako umiyak, Masaktan. Pumunta ako sa may gate ng may nag doorbell. Sino naman kaya iyon? Pagkakaalala ko wala naman akong bisita baka naman sa asawa ko. Sya lang naman ang maraming kilala dahil taong bahay lang naman ako simula nong bata pa ako, tinago ako sa mundo ng pamilya ko dahil kinahihiya nila ang isang katulad ko.

I just want someone to be proud of me.

"Sino po sila?" Tanong ko pagkalabas ko ng gate. Naabutan ko doon ang dalawang lalaki na nag aabang sa may gate. Hindi naman sila mukang magnanakaw dahil sa totoo lang muka silang mayayaman. Mas maayos pa nga silang tingnan kesa sa'kin.

"Nandito ba si Ryker?" Tanong ng blonde na buhok muka siyang pilipino tapos yung katabi niya naman mukang amerikano.

"Ah. Wala siya dito." Nakangiti kong sabi. Ngumiti rin siya pabalik sakin. Binuksan ko ang gate dahil nakakahiya naman muka akong walang pinag aralan nito. Kumakausap ako sa sarado ang gate.

"Pasok kayo." Pag aaya ko sakanila. Muka naman silang mabait e.

"Hindi na. Nandito lang naman kami para sana kausapin si Ry." Nakangiting sabi niya.

"Ah, Sige." Sabi ko. Kumaway sila sakin bago sumakay sakanilang sasakyan. Pumasok na ako sa loob para magbihis naisipan kong dalawin sina mama. Ito lang naman daily routine ko, puntahan sila Mama kung wala si Ryker kaya sobra yung galit sa'kin ni Ryker e, sinira ko na nga buhay nya, pasaway pa ako, sakit lang ako sa ulo nya, kahit na sino naman pasakit lang ang tingin sa'kin pero kung yun pala tingin nila sa'kin, bakit binuhay pa ako? Ano pang purpose na nabuhay ako? Anong silbi ng buhay ko?

Sana pag nakapunta na ako sa bahay isang yakap ang sumalubong sakin. Gusto kong maranasan ang isang yakap ng isang ina kahit sa isang pagkakataon manlang. Gusto kong sumaya kahit papaano. Ang mga tao masyado silang nagpapaniwala sa nakikita akala nila nakangiti ang isang tao e masaya na ang ngiti na binibigay ay katumabas nito ang sakit sa puso.

"Manong teka lang po, Bili lang po ako." Nakangiti kong sabi. Tumango nalang siya sa sinabi ko. Bumaba na ako para bumili ng damit na nakita ko dito sa store. Isang dress lagpas tuhod siya kulay black bagay ito sa mama ko. Tiningnan ko kung magkano ang presyo 1,500 ang mahal. Tiningnan ko ang wallet ko kung magkano nalang ang pera ko saktong 2,000 nalang. Hindi pa kami nagsasahod baka pag ibinili ko ito wala na akong kakainin dahil hindi ako pinapakain ni ry. Pera niya iyon kaya siya lng dapat ang kumain sabi niya sakin. Napabuntong hininga nalang ako bago kinuha ang dress. Bibilhin ko ito alam kong magugustuhan ito ni mama. Nakangiti akong pumunta sa casher para magbayad.

"Ito po, Ma'am salamat." Nakangiti niyang sabi. Sinuklian ko lang siya ng isang matamis na ngiti bago bumalik sa taxi na sinasakyan ko. Sana magustuhan ito ni mama kahit na alam ko na mangyayari, ni-isang beses walang tinanggap si Mama sa mga regalong binigay ko sakanya kahit ang mga kapatid ko, hindi ko maintindihan kung may sakit ba ako para ayawan nila bigay ko o sadyang ayaw lang nila ang isang katulad ko.

Her LifeWhere stories live. Discover now