KABANATA LABING-ISA

11.8K 180 4
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~
KABANATA LABING ISA
~~~~~~~~~~~~~~~~~~


KAKARATING lang namin sa bahay tapos na kaming mamasyal at masaya akong umuwi dahil sa wakas nakapamasyal ako kasama ng aking asawa sana ganon din ang pamilya ko gusto ko silang makasama kahit isang oras manlang pero mas mainam kung napakaraming taon pa ngunit alam kong hindi mangyayari iyon. Ito ang buhay ko at kailangan kong tanggapin na hanggang dito nalang ako na walang magmamahal sakin na buong puso gaya ng pagmamahal ko sa mga mahal ko. Pinangarap ko lang na makasama ng asawa ko sa pamamasyal at ngayon natupad ito lang naman ang hinihiling ko na sana makasama ko siya at maiparamdam na mahalaga akong tao. Okay lang sakin kahit na hindi nila ako mahalin basta maiparamdam lang nila sakin na karapat dapat akong alagaan. Sana bago dumating ang araw makasama ko sila yung walang halong sakit kundi puro saya lang pero alam ko na sa sarili ko na pag dumating ang araw, kahit na makasama ko silang masaya hindi mawawala doon ang lungkot. Nabuhay ako para iparamdam sa mga taong mahal ko na mahal ko sila hindi ako na buhay para sa wala lang.

Napatingin ako sa asawa ko ng magsalita siya. Nakaupo siya sa sofa samantalang ako nagmomop ng sahig. "What are you thinking?" Curious niyang tanong.

Hindi ko alam malalim na pala ang iniisip ko. Masaya rin ako dahil hindi niya na ako sinisigawan at sinasaktan.

"W-wala." Sabi ko at umiwas ng tingin dahil nakatitig siya sakin. Sinimulan ko na muli ang pag mop ng biglang nanlabo ng paningin ko. Napahigpit ang hawak ko sa mop dahil nahihilo rin ako. Napatingin ako sa asawa ko ng humawak siya sa balikat ko.

"Are you okay?" Tanong niya. Ewan ko pero nong tinanong niya sakin kung okay lang ako nakaramdam ako na nag a-alala siya pero nawala rin iyon. Tumango nalang ako bilang sagot sa tanong niya. Pinatigil niya ako sa pag m-mop at pinaupo niya ako sa couch ganon 'din siya. Tinitigan ko ang muka ng asawa ko na ngayon ay nanonood. Napakagwapo­ ng asawa ko kahit saang angulo hindi ako magsasawang titigan ang muka niya mahal na mahal ko siya ganon din ang pamilya ko. Sana ganyan kanalang lagi Rykahit na maging mabuti kalang napakalaging bagay na iyon sakin. Sobrang saya ko ng mag bago siya.

Natigil ako sa pag i-isip ng may mag door-bell napatingin siya sakin na nagtataka kaya nagkibit balikat nalang ako. Tumayo ako para pagbuksan ang pinto kung sino man ang nasa labas. Nakita ko ang babaeng kulay chocolate ang buhok at singkit mata. Sino siya? B-bakit parang nakita ko na siya? Bigla ring nanlabo ang mata kaya napahawak ako sa pinto.

"Okay kalang Amv?" Nag aalala niyang tanong. Tumango nalang ako sa sinabi niya kahit na nahihilo ako napatingin naman ako sa gilid ko ng may tumabi sakin.

"What are you doing here?" Bored na tanong ng asawa ko samantalang yung babae kanina nakangiting nakatingin samin.

"Gusto ko lang magpaalam." Nakangiti­ niyang sabi. Pero mahahalata mo sa mata niya ang lungkot ng sabihin niya iyon.

"S-sino ka?" Utal kong tanong. Tumingin naman silang dalawa sakin na nagtataka. Anong nakakapagtaka sa sinabi ko? Bakit ganyan sila makatingin?

"Oh omg nauntog kaba? Nag ka-amnesia ka?Anong nangyari sayo?" Sunod sunod niyang tanong. Napangiwi ako sa tinanong niya. Wala akong maalala na may nangyari sakin except sa pananakit nila sakin. Umiling ako sa sinabi niya ang asawa ko naman ay parang pinag aaralan ang muka ko kung nag bibiro lang ako.

"Ano kaba Vriella ako yung masungit sayo dati. Its me Selena." Sabi niya. Napatungo naman ako sa sinabi niya. Bakit kailangan pang mangyari to? Ngunit tanggap ko na to kailangan kong tanggapin na ganito ako. Sana hindi ko makalimutan ang mga mahal ko. Sorry kung balang araw makalimutan ko kayo at kailangan niyo pang ulit ulitin ang nangyari. Hindi ko ginusto ito pero tanggap ko na simula ng malaman ko ang totoo. Ang buhay ko ay walang kwenta kaya bakit ko pa hindi tatanggapin ang mangyayari sakin kung ang diyos na ang nagbigay sakin nito ngunit alam kung may rason kung bakit binigyan ako ng ganito ngpanginoon.

"S-sorry." Nakayuko kong sabi. Napadaing ako ng hawakan ng asawa ko ang braso ko ng mahigpit. Napaaangat ako ng tingin at sumalubong sakin ang nagtataka niyang muka na tila may napakaraming tanong.

"Are you hiding something Vriella?" Seryoso niyang tanong. Ano ba dapat kung sabihin?

"W-wala." Sabi ko. Kahit na magsabi ako ng totoo may magbabago ba? Mahal ko sila pinangarap ko lang na mahalin nila ako dati pa pero ng malaman ko iyon. Ang gusto ko nalang ay pahalagahan nila ako wag nalng mahalin. Mahirap ang magmahal lalo na pag sobrang mahal mo ang taong iyon. Ang pagmamahal natin ay mananatiling sa puso natin pero ang nararamdamn natin ay maaring magbago. Wala akong pagsisihan sakaling dumating ang panahon na—

"Hayan mo na. Malay mo marami lang siyang iniisip." Nakangiting­ sabi ni Selena. Natandaan ko na siya. Siya yung naging karelasyon ng asawa ko ng wala dito si Xena ang kaibigan ni Selena. Nakahinga ako ng maluwag ng bitawan ako ng aking asawa. Pero nasan na kaya si Xena? Hindi ko na sya nakikita.

Napatingin ako kay selena ng magsalita ito."Can i talk you vriella?" Seryoso niyang tanong.

Tumango ako sa sinabi niya. Umakyat narin ang asawa ko para matulog gabi na kasi. Nauna na siyang lumabas patungong garden. Sinu­ndan ko siya para makapag usap na kami. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang pag usapan namin.

"V-vriella, I'm sorry for everything. Sorry sa pananakit ko sayo, Sa pakikipag relasyon. Ma­hal ko lang talaga si Ryker kaya hindi ko na alam ang tama at mali." Simula niya ng makarating kami sa garden. Hinawakan ko ang kamay niya at nagulat siya.

Hindi ko kailangan ng sorry o kung ano paman. Kahit na hindi siya humingi ng tawad papatawarin ko siya hindi ako masamang tao na ano pa ang gagawin.

"Shhh. Hindi mo naman kailangan humingi ng sorry dahil matagal na kitang pinapatawad." Nakangi­ti kong sabi. Kita ko ang pagpatak ng luha niya sa aking sinabi kasabay non ang pag ngiti niya. Niyakap ko siya pabalik ng yakapin niya ako.

"S-sorry vriella, Sorry." Humah­agulgol niyang sabi. Hinagod ko ang likod niya para patahanin siya ayokong may nakikita akong umiiyak lalo na't ako ang dahilan ng pag iyak ng taong iyon.

"Okay lang, Hindi ako humingi ng tawad sa mga ginawa mo. Okay na sakin makitang hindi mo ako sinasaktan." Nakangit­i kong sabi. Kumawala siya sa pagkakayakap sakin at ngumiti siya sakin. Pinunasan ko ang mga luha niyang pumapatak.

"Ano pala ang sinasabi mo kanina?" Tanong ko. Nakaupo kami sa bermuda grass dito sa garden. Nakatingin ako sa langit na puno ng bituin.

"Gusto ko sanang magpaalam na a-alis na ako papuntang new york."Nakangiti niyang sabi ngunit may bahid na lungkot ang kanyang mata.

"Mag-iingat ka. Wag kang malungkot balang araw makakahanap ng lalaking mamahalin ka ng totoo." Nakangiti kong sabi. Tumingin siya sakin at ngumiti pero agad din iyon nawala at napalitan ng pagtataka.

"B-bakit hindi mo 'ko maalala kanina?" Puno ng curiouisidad niyang tanong. Natigilan ako sa tinanong niyang iyon. Ito ang iniiwasan kong tanong kung maari ngunit tadhana narin ang gumagawa ng paraan para paghinalaan ako. Bakit kasi kailangan ko pang makalimot? Kung maari ko lang alisin ito pero hindi siguro panginoon narin ang gustong makapagpahinga ako.

"W-wala, May iniisip lang ako." Pagsisinunging ko. Hindi ko maaring sabihin sakanya dahil ayokong may nakakaalam kung ano ang kalagayan ko. Mukang hindi siya naniniwala pero ngumiti nalang din siya.

"Alis na ako. Gabi narin." Nakangiti niyang sabi. Tumango nalang ako sa sinabi niya kumaway ako ng palabas ng siya ng gate. Pumasok na ako sa loob at nakita ko doon ang asawa kong nag aantay.

"Ano pinag usapan niyo?" Tanong niya at tumayo. Unti-unti siyang lumapit kaya napaatras ako.

"N-nagpaalam lang siya." Sabi ko at yumuko. Kahit kailan hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya.

"Okay but about what happened to you earlier. What is it?" Puno ng curiousidad niyang tanong. Iniwasan ko na to kanina ngunit hindi ko aakalain na itatanong din ito ng aking asawa. Mas lalo akong umiwas ng tingin. Lumakad na ako paakyat bago magsalita.

"Walang permamente sa mundo, Bagay man yan o tao ngunit ang pagmamahal ko sainyo ay magiging permamente." Makahulu­gan kong sabi bago umakyat. Ito ang unang pagkakataon na nakausap ko ang aking asawa na nakatalikod ako dahil lagi niya akong pinapagalitan..

Ang puso ko ay mananatiling magmamahal sainyo, Maaring nagbabago ang damdamin ng tao ngunit ang akin ay hindi dahil kahit anong gawin ng diyos walang papalit sa puso ko.

Her LifeWhere stories live. Discover now