KABANATA-PITO

10.4K 160 4
                                    

~~~~~~~~~~~~~
KABANATA PITO
~~~~~~~~~~~~~



GABI na at wala parin ang asawa ko. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Baka siguro kasama niya ang kanyang mahal pero masyado ng gabi kung magkasama pa sila. Kanina pa ako nag aantay na umuwi siya dahil gusto kong makasama siya dahil hindi ko nadalaw ngayon sina mama. Masyado na akong namamalimos ng pagmamahal ng mga taong ayaw naman sakin. Napatayo agad ako.ng bumukas ang pinto. Pumasok doon ang asawa ko. Tumakbo ako palapit sakanya para tulungan siya.

"A-ang init mo. Bat ganyan itsura mo?" Nag aalala kong tanong at inakay siya sa aking balikat. Ang init niya inaapoy siya ng lagnat. Kailangan ko siyang magamot. Dinala ko siya sakanyang room at ipinahiga. Inalis ko ang hibla ng buhok na tumatakip sa kanyang noo. Napakagwapo ng asawa ko hindi na ako magtataka kong maraming babae na niyang pinaiyak. Kumuha narin ako ng tubig at bimpo. Nagsimula na akong punasan ang kanyang muka.

"M-mahal na mahal kita Ry kahit na saktan mo pa ako ng paulit-ulit tatanggapin ko yun g-ganon kita kamahal." Naiiyak kong sabi. Natapos ko siyang punasan. Pinagmamasda­n ko lang ang maamo niyang muka.

"G-gusto mo kwentuhan kita?" Naiiyak kong sabi habang hinahaplos ang muka niya. Kahit na alam ko na hindi siya nakikinig wala akong pake. Mag muka man akong tanga, baliw wala akong pake dahil mahal ko siya. Ganito naman tayo diba pag nagmahal handa nating gawin lahat para sa mga taong mahal natin. Handa akong gawin lahat para sakanila.

"A-alm mo ba Ry simula bata ako wala akong nararamdamam na may nagmamahal sakin. B-bakit ganon Ry? Ganon ba ako kahirap mahalin? Ang pamilya ko mahal na mahal ko sila kahit na h-hindi nila ako kayang mahalin pabalik. R-ry Sana dumating ang araw na makikita kong may l-luha na pumatak sa magaganda niyong mata masaya na ako don. Kahit na hindi niyo ako mahal kahit na pahalagaan niyo lang ako. R-ry naiingit ako sainyo kasi ang daming nagmamahal sainyo samantalang ako wala. I'm useless. Napakawalang­ kwenta ko Ry. M-mahal na mahal kita hanggang sa huling hininga ko." Sabi ko at nagbagsakan ang mga luha ko na pinipigilan ko. Tumayo na ako at kinumutan siya. Bago ako lumabas ng kwarto niya hinagkan ko muna ang kanyang noo. Babantayan ko siya. Naupo ako sa labas ng kwarto niya at isinubsob ang muka ko sa pagitan ng tuhod ko.


~~~


"Ahhh." Napasigaw ako ng maramdaman kong malamig na tubig na bumuhos sakin.

"Get up, Cook a food." Napatayo ako sa sinabi ng asawa ko. Tumingin ako sakanya na nakabihis na. Mukang magaling na siya. Nilalamig ako pero kailangan ko siyang pakainin. Bumaba na ako at nagluto ng pagkain. Napahawak ako sa ulo ko ng bigla itong sumakit. Naupo muna ako saglit para hindi na lulala ang sakit ng ulo ko.


"Where's the food?" Napatayo ako bigla dahil sa malamig na boses ng aking asawa. Humarap ako sakana pero hindi ako nakatingin sakanyang mata hindi ko kayang makipagtitigan.



"S-sorry." Nakayuko kong paumanhin. Nakahanda na ako para pagalitan niya pero nagulat ako ng hilain niya ako at pinaupo sa isang upuan.




"Stay." Malamig niyang sabi at may tinawagan. Siguro mag papadeliver siya. Mabuti nalang at hindi niya ko sinaktan. Ewan ko ba sa katawan ko ngayon pero nakakaramdam ako ng pagod. Sabagay dati pa naman ay nakakaramdam ako ng pagod hindi na imposible yon. Nakarinig ako ng may nag doorbell. Tatayo na sana ako ng maalala ko ang sinabi niya kaya nanatili nalang ako sa kinauupuan ko. Bumalik siya dito at may dalang pagkain.


"Eat. Baka isipin mo may utang na loob ako sayo." Malamig niyang sabi at iiwan na dapat ako ng hilain ko ang kamay niya.





"A-asawa mo ako gawain ko yun. M-mahal kita Ry kahit na hindi mo suklian iyon." Nakayuko kong sabi at binitawan ang kamay niya.


"Why don't you leave huh Vriella? I don't need you." Malamig niyang sabi at humarap sakin. Kita ko ngayon ang mata miyang punong puno ng galit. Ganito ba talaga ako kahirap mahalin at hindi niya ako magawang mahalin?

"H-hindi ako susuko." Mahina kong sabi. Umalis na siya na parang wala lang nangyari sabagay ano ba naman ang dapat niyangmaging reaction? Mabuti pa dalawin ko nalang sina mama matagal ko na sila hindi nadadalaw. Umakyat na ako sa taas at nagbihis. Hindi ko na kailangan kumain. Malakas kaya ako.

Sana dumating ang araw na mamahalin ako ng pamilya ko at ng asawa ko pero alam ko sa sarili ko na kung dumating na ang araw na iyon—Napabuntong hininga nalang ako bago lumabas ng taxi.

Nandito na ako sa labas ng gate kaya nilapitan ko sina kuya para itanong kung nandito sina mama dahil ang tahimik ng bahay.

"Kuya nanito po sina mama?" Nakangiti kong tanong kay kuyang guard.

"Ah wala dito Vriella. Nagbakasyon ang mama mo pero babalik naman siguro sila ngayon." Nakangiting sabi ni kuya guard. Tumango nalang at ngimiti. A-antayin ko nalang sina mama siguro naman darating sila mamaya. Naupo nalang ako dito sa tabi ng kalsada para antayin

GABI na at wala parin sina Mama kaya naisipan ko na umuwi nalang muna ng biglang tumunog ang cp ko. Tiningnan ko ito at nakita ko ang picture nina mama kasama ang kapatid ko. Tinitigan ko muka ni mama at papa ang saya ng mga mata nila hindi gaya pag nandito ako puno ng galit. Pinangarap ko sa buhay ko ay maalagaan ako nina mama at papa kahit isang beses lang masaya na ako.

"M-ma, P-a mahal na mahal ko kayo. L-lagi niyo pong tatandaan." Sabi ko at tumulo ang luha ko kasabay ang pag ulan.

Sometimes, you want to cry but you can't do it because of the people surrounding on you, you keep on thingking that you need to be brave even tho they didn't appreciate you.

Her LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon